Palarong Pambansa, ‘di kakanselah­in

Balita - - Sports - Annie Abad

Tuloy ang Palarong Pambansa, sa kabila ng banta ng lumalagana­p na novel corona virus o nCoV sa buong mundo, bagama’t ilang malalaking events ang kinansela na ng Department of Education (DepEd).

Nilinaw ng Kagawaran na ang mga events lamang na mgaganap ngayong Pebrero ang kanilang ikakansela at hindi ang Palarong Pambansa.

Kabilang sa mga kanselado na aktibidade­s ng DepEd ay ang National Schools Press Conference, National Science and Technology Fair, at ang National Festival of Talents.

Ngunit ang 2020 Palarong Pambansa na agaganap sa Marikina City ngayong Abril ay tuloy pa rin, hanggang sa kasalukuya­n habang isinusulat ang balitang ito.

Isinaalang-alang ng Kagawaran ang mga nakareserb­a nang tiket sa eroplano at sa mga hotel ng mga partisipan­te na magmumula pa sa iba’t ibang lugar sa buong kapuluan.

“A major concern of course is that reservatio­ns have been made for airline flights, hotels, and so on, but we are looking into these little aspects,” ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones sa isang panayam sa kanya.

Kinumpirma naman ng isa sa mga staff ng DepEd sa Palarong Pambansa na si Lawrence Cruz na tuloy nga umano ang nasabing event.

“Tuloy naman daw po”, pahayag ni Cruz Balita, bagama’t posible pa rin na magkaroon ng mga pagbabago sa mga darating na araw.

Ang Palarong Pambansa, lalahokan ng mahigit 30,000 mga estudyante­ng atleta buhat sa iba’t ibang panig ng bansa.

Samantala,nauna dito ay nagpahayag naman ng pagkansela ng ilang aktibidade­s ang Philippine Sports Commission (PSC) sanhi pa rin ng lumalagana­p na virus partikular na ang 10th ASEAN Para Games at ang National Sports Summit.

Ayon sa PSC, kailangan muna nilang masiguro kung maayos na ang sitwasyon, bago nila ituloy ang mga nasabing event para sa taong ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.