Basilan Steel, lumusot vs Patriots

Balita - - Sports - Annie Abad

Laro Bukas (Lunes) (San Andres Sports Arena, Malate, Manila)

4:15 p.m.- GenSan vs. Sarangani

6:30 p.m.- Davao Occ. vs. Marikina

8:30 p.m.- Zamboanga vs. Manila

Pinadapa ng Basilan Steel ang Paranaque Patriots 89-71 sa pagwawakas ng eliminatio­n round ng 2019-2020 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)-Chooks-toGo Lakan Cupsa Marikina City Sports Center.

Binalikat ni Gab Dagangon ang basilan sa pamamagita­n ng kanyang 26 puntos kasama ang 6 rebounds upang ilagay sa ikatlong puwesto ang koponan sa Southern Division, tangan ang 20-10 win-loss record.

Nakatuwang ni Dagangon si Michole Sorela na may 12 puntos at 4 rebounds, kasama ang dalawang steals.

Sa kabilang banda, tumapos naman ng ika 13 puwesto ang Paranaque sa kanilang 8-22 record sa Northern group kug saan pasok pa rin sila sa 8-team play off round kasama ang Bacoor.

Nasa listahan din ng 8-team playoff round sa South group ang No. 4 Zamboanga Family Sardines (1811), No. 5 Iloilo United Royals (18-12), No. 6 Batangas Athletics (17-11), No. 7 GenSan Warriors (16-12) at No. 8 Bicol Volcanoes (16-14).

Sa ibang laro, nanaig ang Bacolod Masters Sardines kontra sa Bulacan Kuyas, 76-69, para sa kanlang 11-19 slate sa Southern division.

Nanatili naman nasa No. 6 ang Bulacan sa 19-11 card sa Northern Division.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.