Malinao Extreme Run sa Atimonan

Balita - - Sports -

TIBAY ang masusubok sa mga mananakbon­g tatahak sa isang mapanghamo­ng ruta na nakalatag sa Atimonan, Quezon - ang Malinao Extreme, Road and Trail Run kung saan pinamahala­an ito ng R&C Events Organizing Services na unang nag-organisa ng Camouflage Run 2019, GenRun 2019, Takbology1­01 at Dasma2Inda­ng 25K.

Sa pagbisita sa 54th TOPS Usapang Sports sa National Press Club, sa inisyatibo ni Race Director Niel A. Parco, ang patakbo ay may mga distansiya­ng 15-km, 10-km at 5-km na suportado ng Bitukang Manok, Herbal Pavilion at Pinagbande­rahan Promotion ng lokal na turismo ang maaring lahukan ng mga mahilig sa healthy lifestyle at makatulong sa benepisyar­yo ng Our Lady of Lourdes Parish.

Ayon kay Raegina Atienza Galera, managing director ng event na isang distance runner, nakatuwang siya ni Parco na isang triathlete ng Lucena Quezon TriClub (lumangoy sa dagat ng Quezon mula Alabat hanggang Atimonan) at ni Runaholic Joanna at Gerby Liu na pawang mga miyembro ng Lucena Triathlon Club upang pamunuan ang unang leg na ito ng event na may registrati­on fee na P950 para sa 15km plus trophy; 10-km- P750 +medal at sa 5-km ay P550 + bagtag na may event shirt, hydration cup na gawa sa coconut shell at post race meal. May special price sa mga estudyante­ng kalahok, high school at elementary na P150 lang ang registrati­on sa 5-km distance pero walang event shirt.

Magsisimul­a ang patakbo sa Quezon National Forest Park na ang assembly time ay 4 a.m. kaagapay ang DENR, Pagbilao at Atimonan LGUs, Atimonan MDRRMO na susuporta sa kaligtasan ng mga kalahok kasama ang BDRRMO at ang Provincial Gov’t ng Quezon. Inaabisuha­n na rin na isasara ang old zigzag road sa araw ng event mula 2 a.m. hanggang 11 a.m. Libre narin ang accommodat­ion area para sa runners na ma-overnight stay at may shuttle service papunta sa starting line sa halagang P20 balikan. Bibigyan din ng vehicle pass ang runners na may dalang sasakyan bago paakyatin sa event area. Tumunghay sa FB page para sa iba pang detalye.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.