Taal, nagaalburo­to pa rin

Balita - - Front Page - Ni ELLALYN DE VERA-RUIZ

Patuloy pa rin sa pag-aalburoto ang Taal Volcano mula nang sumabog nitong nakaraang buwan, ayon sa Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology (Phivolcs).

Sa latest bulletin ng Phivolcs, naitala ang patuloy na pagpapakaw­ala nito ng usok o singaw sa mga bitak sa Daang Kastila.

Nakitaan din ng bahagyang pagbuga ng puting usok na nagiging itim sa bunganga nito na umabot sa 200 hanggang 3000 metrong taas bago ito ipinadpad sa timog kanluran ng bahagi ng bulkan.

Sinabi ng ahensya, patuloy din ang pagbuga nito ng sulfur dioxide o asupre na umabot sa 116 tons per day mula nitong Pebrero 8.

Nilinaw ng Phivolcs, ang nakikitang sulfur dioxide mula sa bulkan ay senyales lamang na patuloy sa pag-akyat ang magma nito.

“During the past 24 hours, the Taal Volcano Network recorded 115 volcanic earthquake­s including two lowfrequen­cy events and five harmonic tremors having durations of one to four minutes,” ayon pa sa Phivolcs.may pose hazards to aircrafts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.