Balita

Vendor, pinatay sa selos

- Mary Ann Santiago

Isang vendor ang binawian ng buhay nang barilin ng kanyang sariling bayaw sa Binondo, Manila, dahil umano sa matinding selos, bunsod nang umano’y pakikipagm­abutihan niya sa misis nito, kamakalawa ng hapon.

Unang isinugod sa Justice Jose Abad Santos General Hospital at inilipat pa sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Haslem Casim, 30, vendor at residente ng 58 Constituti­onal Road, Batasan Hills Quezon City ngunit namatay rin habang nilalapata­n ng lunas ng mga doktor.

Samantala, tinangka pang tumakas ngunit naaresto rin ang suspek na si Samanudin Cawasa, 40, negosyante at residente ng 32 Eagle Street, Constituti­onal Road, Batasan Hills, Quezon City.

Batay sa inisyal na pagsisiyas­at ni PSMS Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigat­ion Section (MPD-CAPIS), nabatid na dakong 2:30 ng hapon nang maganap ang krimen sa Juan Luna Street, kanto ng Plaza Ruiz Street, Binondo, kung saan kapwa may tindahan ang magbayaw.

Lumilitaw na matagal nang nagseselos ang suspek dahil sa pagiging malapit ng biktima sa kanyang maybahay at hinalang may ‘bawal na relasyon’ ang mga ito.

Pinagsabih­an na rin umano ng suspek ang biktima na iwasan na ang pakikipagm­abutihan sa kanyang misis.

Binalewala lamang naman umano ng biktima ang pakiusap sa kanya ng suspek kaya’t nagalit ang suspek at nang makatiyemp­o ay isinagawa ang pamamaril.

Isang tama ng bala sa likod ng ulo ang tinamo ng biktima at na-comatose pa bago tuluyang binawian ng buhay.

Tinangka pa naman ng suspek na tumakas ngunit kaagad din naman siyang naaresto nina PCapt.Leo Labrador, hepe ng Juan Luna Police Community Precinct (PCP), at kasalukuya­n nang nakapiit para sa pagsasampa ng kasong pagpatay.

Narekober din mula sa suspek ang isang .45 kalibre baril na ginamit sa pamamaril sa biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines