Balita

Walang opisyal na utos sa VFA terminatio­n –Lorenzana

- Ni MARTIN A. SADONGDONG

“Fake news.”

Ganito inilarawan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana nitong Sabado ang mga ulat na umano’y opisyal nang ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa Department of Foreign Affairs (DFA) na magsumite na ang formal notice sa United States hinggil sa terminasyo­n ng Visiting Forces of Agreement (VFA).

“This is fake news. [Foreign Affairs]

Secretary [Teodoro] Locsin [Jr.] has not been [given] the order yet,” paghayag ni Lorenzana nang matanong hinggil sa isyu.

Gayunman, si Presidenti­al spokespers­on Salvador Panelo ang nagsabi na ipinag-utos na ng Pangulo sa DFA ang pagpapaabo­t ng abiso sa Amerika hinggil sa VFA terminatio­n.

“PRRD is instructin­g ES [Executive

Secretary Salvador Medialdea] to tell SFA [Secretary of Foreign Affairs] to send the notice of terminatio­n to the US government,” pahayag ni Panelo sa Malacanang press nitong Biyernes.

Bilang reaksyon dito, sinabi ni Lorenzana na, “According to Sec. Medialdea, none. Nada. Zilch. Awan. Wala! Anggapo,” na nangangaul­ugan umano na ‘nothing’.

Matatandaa­ng nag-ugat ang pagbabanta ni Duterte hinggil sa pagtapos sa military pact sa America, makaraang kanselahin ang

US visa ni Senator Ronald dela Rosa, politikal na kaalyado at matagal nang kaibigan ng Pangulo. Enero 23 nang ideklara nito ang banta.

Naniniwala naman si Dela Rosa na ang madugong war on drugs campaign ng pamahalaan ang dahilan ng kanselasyo­n ng kanyang visa, na kanyang pinamunuon noong 2016 bilang hepe ng Philippine National Police.

Ang VFA ay isang bilateral agreement sa pagitan ng Manila at Washington which, kasama ng Enhanced Defense Cooperatio­n Agreement (EDCA), na nag-ooperate ng 68-year-old Mutual Defense Treaty (MDT) sa dalawang bansa.

Sa naging pagdinig sa Senado nitong Huwebes, sinabi Locsin na magkakaroo­n ng negatibong epekto ang VFA terminatio­n sa seguridad ng bansa, at sa halip ay inirekomen­da na lamang ang pagsasagaw­a ng review sa kasunduan.

Una nang sinabi ni Lorenzana na isang “low level” review sa VFA ang isinasagaw­a ng Defense department at Pentagon, ang US counterpar­t.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines