Balita

357 pulis, sasalang sa background check

- Ni AARON RECUENCO

Nasa kabuuang 357 na pulis, kabilang ang isang senior official na may ranggo ang sasailalim sa beripikasy­on at background check para sa posibleng pagkakasan­gkot sa ilegal na aktibidad.

Ayon kay Gen. Archie Gamboa, hepe ng Philippine National Police (PNP), kabilang 357 pulis sa watchlist ni President Duterte at ipinag-utos na mag-report sa Camp Crame nitong Biyernes.

“This is an offshoot of a briefing in Malacanang. One of the proposals is for me to clease my own ranks,” saad ni Gamboa sa pagpapaliw­anag ng kanyang utos sa mga pulis na magtungo sa Camp Crame upang sumalang sa intense verificati­on.

Nakipagkit­a naman umano ang PNP chief sa karamihan ng mga pulis na nagtungo na sa Camp Crame.

“The purpose of this is for us to process the informatio­n that they are involved, for them to clear their names. But those who would not will face the full force of the law,” dagdag pa nito.

Inaasahan ni Gamboa na tatagal ang prosesop isang buwan, mula sa Lunes.

Base sa kasunduan kay Pangulong Duterte, dadaan ang 357 pulis sa dalawang lebel ng verificati­on process.

Sa first level, ayon kay Gamboa, ay sasalang ang mga mother units ng mga sangkot na parak kabilang ang regional,

National Support Unit at Directoria­l Staff levels.

“Then for the next three weeks, they will be passed on to the National Adjudicati­on Board which will be headed by the PNP Deputy Chief for Administra­tion,” pagbabahag­i pa ni Gamboa.

Kapag napatunaya­ng malinis, ang kanyang pangalan ay tatanggali­n na rin sa watchlist ng Pangulo.

Gayunman, para sa mga mapapatuna­yang sangkot sa drugs syndicates, mahaharap, aniya, ang mga ito sa criminal at administra­tive charges.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines