Chinese, natagpuang patay

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Bangkay na ang isang Chinese nang lumutang sa Manila Bay, bahagi ng Baywalk, sa Roxas Boulevard, Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilala sa pamamagita­n ng kanyang passport na si Suet Ming Ellis Chan, 59, tagaHong Kong.

Sa ulat ni PEMS Charles John Duran, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigat­ion Section (MPD-CAPIS), dakong 6:20 ng umaga nang iahon sa dagat ang bangkay.

Sa imbestigas­yon, bago ang insidente, namataan pa ng ilang vendor ang nasabing banyaga na nakaupo sa mga bato sa tapat ng isang cafe’ dalong 1:00 ng madaling araw.

Kapuna-puna rin umano sa mukha nito na problemado at nang kausapin umano ng mga vendor ay nagsabi na gusto na niyang makauwi sa Hong Kong subalit naubusan na siya ng pera para ipambili ng plane ticket.

Hindi rin umano makakontak sa kaanak ang biktima dahil nanakawan siya ng cellphone.

Posible umanong naeskoba o napagnakaw­an ang dayuhan dahil nakikita ding natutulog ito sa bangketa.

Narekober pa ang backpack ng biktima kung saan natagpuan ang dalawang passport.

Iniimbesti­gahan pa naman kung nagpakamat­ay ang biktima o kung naganap na foul play sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.