Kelot na bumabatak, arestado

Balita - - News - Leandro Alborote

TARLAC CITY – Hindi na nakapalag ang isang lalaki nang arestuhin ng mga awtoridad matapos na mahuli sa aktong habang bumabatak sa Sitio Home Site, Barangay San Rafael, Tarlac City, kamakailan.

Ayon kay Patrolman Michael P. Catubig, investigat­or-on-case, hawak na nila ang suspek na si Randy Sabado, may-asawa, taga-Barangay San Pablo, Tarlac City.

Dakong alas 3:35 ng hapon habang nagpapatru­lya ang mga miyembro ng

Police Community Precinct (PCP)- 8 sa Sitio Home Site, isang concerned citizen ang lumapit at inireport na isang lalaki ang humihithit ng iligal na droga sa isang abandonado­ng bahay.

Narekober ng pulisya ang isang transparen­t plastic sachet na naglalaman ng shabu, at drug parapherna­lias.

Kasong paglabag sa Comprehens­ive Dangeroud Drugs Act ang isasampaq laban sa suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.