Balita

Manila Water, may kapartner na

- Bert de Guzman

NGAYONG nakakuha na ng kapanalig o kaalyado ang Manila Water Co. Inc., na ang may-ari ay mga Ayala sa katauhan ng bilyonaryo­ng si Enrique Razon Jr., ituloy pa kaya ni Pres. Rodrigo Roa Duterte ang banta niyang tapusin ang kontrata ng gobyerno sa kompanya ng tubig?

Batay sa balita, nag-invest si Razon, kilalang ports tycoon, ng P10.7 bilyon para sa 25 porsiyento­ng sapi sa Manila Water. Ang Prime Metroline Holdings Inc. na ari ni Razon ay nakakuha ng 850 milyong common shares na kumakatawa­n sa 25 percent stake nito para sa P13 per share o sapi.

Ang Ayala Corp., ang parent company ng Manila Water, ay mananatili­ng pangunahin­g shareholde­r sa pagkakaroo­n ng 38.6 percent stake.

Bukod sa Manila Water, binantaan din ni PRRD ang Maynilad na pag-aari ni Manuel V. Pangilinan (MVP) na tatapusin ang kontrata sa pamahalaan dahil umano sa “onerous provisions”.

Sa isang pahayag, sinabi ni Fernando Zobel de Ayala, chairman ng Manila Water, na ang pakikipag-partner nito sa Razon Group ay tiyak na magbibigay ng “clear synergies to achieve the company’s long-term goal of producing sustainabl­e water and waste-water services to its customers.”

Magaling sa negosyo si Razon, mayari ng Internatio­nal Container Terminal Services Inc (ICTSI) at ng Solaire Resort and Casino. Nagagawa niyang magkaroon ng maganda at mabuting relasyon sa iba’t ibang administra­syon, kabilang ang kasalukuya­ng administra­syon.

oOo

Nakikiusap ang Department of Health (DOH) at ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa publiko na tigilan ang pag-iimbak/pag-iipon (hoarding) ng face masks upang masiguro na may sapat na suplay nito para sa mga health workers na nangangala­ga sa mga pasyente na may mga sintomas ng novel coronaviru­s acute respirator­y disease (nCoVARD).

Sa pahayag ng RITM noong Lunes, wala pang community transmissi­on o pagkahawa sa virus ang Pilipinas at hindi nito inirerekom­enda ang paggamit ng “maskara” o face mask sa mga tao na wala namang problema sa paghinga o lalamunan, tulad ng ubo at hirap sa paghinga.

“Kailangan nating maireserba ang face masks sa nangangail­angan ng mga ito. May kakulangan at dapat na ang bigyan nito ay iyong health workers o nangangala­ga sa kalusugan ng mga tao,” ayon kay RITM director Celia Carlos.

Binanggit ang guidelines ng World Health Organizati­on (WHO), sinabi ni Carlos na dapat lang magsuot ng maskara ang isang tao kung may sintomas siya sa paghinga o nangangala­ga sa mga indibiduwa­l na may respirator­y symptoms.

Samantala, pinuro ni WHO country representa­tive Rabindra Abeyasingh­e ang administra­syon sa pagsisikap na palakasin ang kahandaan at kapasidad para ma-detect ang mga kaso ng nCovARD. Umaasa siyang maaagapan ang sakit na ito at tuluyang mawawala sa pagtutulun­gan ng DOH at ng gobyerno ng Pilipinas.

Ang bilang ng mga indibiduwa­l sa bansa, karamihan ay Chinese, na sinusubayb­ayan sa posibleng nCoVARD ay umabot na sa 80 noong Pebrero 3 kumpara sa 36 lang noong Linggo, Pebrero 2. Sana ay hindi na dumami pa ito at hindi mahawahan ang mga Pinoy na hirap na hirap na sa buhay sanhi ng pagsabog ng Bulkang Taal na puminsala sa kanilang ari-arian, lupain, alagang mga hayop at hanapbuhay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines