Junkshop owner, nagpatiwak­al

Balita - - News - Light A. Nolasco

PALAYAN CITY – Isang junk shop owner ang naiulat na nagpatiwak­al matapos umanong iwan ng kanyang asawa sa Barangay Marcos Village ng nabanggit na lungsod, nitong Sabado.

Kinilala ng Palayan City Police ang nasawi na si Marvin Avila, 23, tagaBgy. Atate ng naturang lungsod.

Natagpuan ang bangkay ni Avila sa loob ng kanyang kuwarto, dakong 11:00 ng umaga

Ayon sa ilang kapitbahay, labis na dinamdam ni Avila ang pakikipagh­iwalay sa kanya ng asawa nito.

Gayunpaman, patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.