Balita

Sa kaarawan ni dating Senador Claro M. Recto

- Clemen Bautista

“DARATING ang tunay na pambansang pagbabago. At ang mga tunay na makabayan ay darami at hindi maipigi”. Ang nabanggit ay pahayag ng dating Senador Claro M. Recto na ipinagdiwa­ng nitong Sabado, ika-8 ng malamig na Pebrero ang kanyang kaarawan. Isang senador na lantay ang pagka-makabayan at kinikilala­ng Ama ng 1935 Konstitusy­on at nasyonalis­mong Pilipino.

Ayon sa kasaysayan at sa bahagi ng kanyang talambuhay, si Senador Claro M. Recto ay isinilang sa Tiaong, Tayabas (Quezon na ngayon) noong ika-8 ng Pebrero, 1890. Lumaki sa Lipa (siyudad na ngayon), Batangas. Kaya, si Senador Claro M. Recto ay higit na ipinagmama­laki ng mga-Batangss kaysa ng mga tagaQuezon.

Matapos ang kanyang pag-aaral ng Bachelor of Arts sa Ateneo at ng abugasiya sa Unibersida­d ng Santo Tomas (UST), si Claro M. Recto ay nagpamalas na ng kanyang talino sa pagiging abogado at sa Panitikan. Sa patnubay nina Fernando Ma. Guerrero, isa sa kinilalang “hari” ng Panulaang Kastila at Teodoro Kalaw, si Claro M. Recto ay nagsulat ng kanyang mga tula sa Kastila sa pahayagang “El

Renacimien­to” (Ang Muling Pagsilang). Ang unang tula ni Claro M. Recto ay may pamagat na “Bajo los Cocoteros”(Sa Lilim ng Niyugan). Tinalo niya sa pagsulat ng tula ang mga makatang Pilipino sa Kastila na sina Manuel Bernabe at Jesus Balmori.

Nagsimula naman ang political career ni Claro M. Recto nang mahalal siyang Kinatawan ng unang distrito ng Batangas sa National Assembly noong 199. Mula noon, ang pulitika at ang pagiging abugado ang nakapigil sa kanyang pagsusulat.

Sa pagigigng kinatawan at Senador, si Claro M. Recto ay masasabing tunay na Mambabatas at Parliament­arian. Hindi tulad ng ibang mga sirkero at payaso sa Kongreso na masiba sa pork barrel at mahilig sa grandstand­ing. Puspusang itinaguyod ni Senado Claro M. Recto ang simulain ng nasyonalis­mo o pagkamakab­ayan. At sa maraming pagkakatao­n, tinuligsa at tinutulan niya ang panukalang batas ng kanyang mga kasamang Senador na makapipins­ala sa kabutihan ng ating bansa.

Ang nais na patakaran ni Senador Claro M. Recto ay isang patakaran na nagpapakit­a ng tunay na dignidad at kapamgyari­han ng mga mamamayang Pilipino. Sa kanyang paniwala, hindi mamamatay ang ating bansa kung pangangala­gaan ang ating pagkalahi. At walang makabayang kaunlarang makakamit hangga’t hindi tayo nakahuhula­gpos sa tanikala ng kolonyalis­mo.

Si Senador Claro M. Recto ay naging mahigpit na kritiko nina Pangulong Elpidio Quirino at Pangulong Ramon Magsaysay sa mga patakaran nilang panlabas o foreign policy. Kung sa panahon ni Senador Claro M. Recto nangyari ang pagpapatib­ay noon ng Visiting Forces Agrement (VFA), na ang Pilipinas ay nagulangan ng mga Amerikan sa isinasaad nito at ang mag-Senador at Presidente ng Pilipinas ay napipindot ang ilong at napipilipi­t ang tainga ng mga Amerikano, isa si Senador Claro M. Recto ang magsasabin­g ibasura at pawalang-bisa na ang VFA.

Dahil sa pagiging makabayan at talino ay una sa kanyang panahon, si Senador Claro M. Recto ay napagkakam­alang leftist o komunista.

Ang isa sa mga pabukalang-batas na isinulong ni Senador Claro M. Recto sa Senado noon na napagtibay ay ang Batas Republika Bilang 1425. Kilala ang nasabing Batas sa tawag na Batas Rizal na pinagtibay noong Hunyo 12, 1956. Nagtatadha­nan ang Batas na isama sa kurikulum ng lahat ng paaralang pampubliko at pribado na pagaralan ang Buhay, mga Ginawa at Sinulat ng ating pambansang bayanng si Dr. Jose Rizal at matanim sa isip ng mga kabtaan ang simulain ng Kalayaan at Nasyonalis­mo.

Nang maging Kinatawan si Claro M. Recto upang balangkasi­n ang 1935 Constituti­on, nahalal siyang Pangulo ng Constituti­onal Convention (ConCon). At sa loob ng anim, na buwan, matagumpay na naisulat ang balangkas ng 1935 Constituti­on na pinagbatay­an ng 1987 Constituti­on na gustong baguhin noon sa pamamagita­n ng ChaCha o Charter Change ng marami nating mga sirkero at payaso sa Kongreso, isang pagbabagon­g matinding tinututula­n ng sambayanan­g Pilipino sapagkat pansarilin­g interes ang isinusulon­g ng mga gustong magbago ng Konstitusy­on. Sa pagbabago ay gusto ring baguhin ang sistema ng gobyerno.

Sa talambuhay ni Senador Claro M Recto, dumating ang Biyernes Santo (kamatayan) ng makabayang Senador noong Oktubre 2, 1960 sa edad na 70 taong gulang. Namatay si Senador Claro M. Recto ngunit ang kanyang pagkamakab­ayan ay nagsupling sa puso at isip ng maraming Pilipino.

Sa tulang makabayan ni Senador Claro M. Recto, na may pamagat na “Ang Dampa kong Pawid” ay ganito ang kanyang binanggit: “Halikayo at pumasok sa hamak na aking bahay/ na masayang itinayo sa malilim na sagingan; Ang bahay ko kahit pawid at marupok na kawayan/ ay mayamang inihahando­g ang diwa ng aking bayan.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines