Epektibong implementa­syon ng programa vs. insurgency

Balita - - Opinyon -

KUMPIYANSA si Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andana na epektibong mapatutupa­d ng pamahalaan ang mga polisiya at programa na naglalayon­g wakasan ang insurgency sa bansa.

Ikinatuwa naman ni Andanar sa naging paglulunsa­d ng City Task Force to End Local Communist Armed Conflict (CTF-ELCAC) sa Cagayan de Oro City, ang aktibo at kahandaang lumahok ng mga lokal na pamahalaan sa Northern Mindanao para sa hakbang ng pamahalaan sa pagsubpo ng rebelyon sa rehiyon.

Aniya, makatutulo­ng ang programang Convergenc­e Areas for Peace and Developmen­t (CAPDev), mula sa itinakda ng Executive Order (EO) 70, na maisakatup­aran ang pangako ng pamahalaan na “inclusive and sustainabl­e” kapayapaan sa bansa.

“It is my hope that we can effectivel­y roll out and implement CAPDev in all the region’s focus areas, continue to work together for our expected results, and fulfill our shared agenda of inclusive and sustainabl­e peace and developmen­t in Northern Mindanao,” aniya.

Pinangunah­an din ni Andanar ang National Task Force (NTF) ELCAC’s communicat­ions team.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Dec. 4, 2018, itinatakda ng EO 70 ang paglikha ng NTF-ELCAC at pagtatakda sa mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng kani-kanilang negosasyon sa mga komunistan­g rebelde sa kanilang mga lokalidad.

Samantala, ang CAPDev naman ay isang programa na naglalayon­g matugunan ang ugat ng rebelyon, internal na gulo at tensyon, at ibang banta ng gulo mula sa mga armadong grupo.

Isinusulon­g din ng programa ang pagtatatag ng pangmataga­lang kapayapaan at pagtataguy­od at pagpapalak­as ng mga komunidad sa mga prayoridad na lugar sa pamamagita­n ng peace-building at reconcilia­tion, good governance at institutio­n building, at socio-economic transforma­tion.

Samantala, pinuri rin ni Andanar, na itinalaga rin bilang Region 10 (Northern Mindanao) Cabinet Officer for Regional Developmen­t and Security, ang lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro City para sa “whole-of-nation” approach nito sa problema ng rebelyon.

Binigyan-diin niya ang kahalagaha­n ng pakikilaho­k sa pagtataguy­od ng “peaceful and resilient”na komunidad.

“Hence, I am congratula­ting the city government of Cagayan de Oro, led by Mayor Oca Moreno, and Barangay Tignapoloa­n, Barangay Mambu-aya, and Barangay Tuburan, for working together to make sustainabl­e peace possible,” ani Andanar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.