Balita

Capas officials, umalma TRO VS DoH, HIHILINGIN

Nina JOSEPH ALMER PEDRAJAS, LEANDRO ALBOROTE, BELLA GAMOTEA, MARY ANN SANTIAGO, JUN RAMIREZ, BERT DE GUZMAN, at ARGYLL CYRUS GEDUCOS

-

Dudulog na sa hukuman sa Lunes (Pebrero 10) ang mga opisyal Capas, Tarlac Lunes upang hilinging maglabas ng temporary restrainin­g order (TRO) laban sa Department of Health (DoH) kaugnay ng hakbang ng huli na gamitin ang New Clark City bilang quarantine site para sa 45 Pinoy na manggagali­ng ng Wuhan, China na pinagmumul­an ng kinatataku­tang novel coronaviru­s.

Ito ang tiniyak kahapon ni Capas ViceMayor Roseller Rodriguez na nagsabing pinaplants­a na ng kanilang mga abogado ang ihaharap nilang kaso.

Aniya, hindi man lamang sila kinonsulta ng DoH kaugnay ng hakbang nito na gagawing quarantine site ang Athletes’ Village sa New Clark City.

“Kami naman po sa Lunes, may grupo po ng abogado na susubukan na dalhin sa korte ‘yung usapin para po magkaroon ng TRO,” pahayag ni Rodriguez sa isang panayam sa radyo.

Naiulat na inaasahang darating sa bansa ang unang grupo ng mga Pinoy worker mula Wuhan, ngayong Linggo.

Binanggit din ng opisyal na naglabas na rin ng isang resolusyon ang konseho ng Capas nitong Biyernes bilang pagtutol sa hakbang ng DoH.

“Umaapela po kami sa Pangulo at sa DoH secretary na kung pwede po ay i-reconsider, maghanap ng ibang site,” aniya.

Sa naunang panayam, tiniyak ni DoH Secretary Francisco Duque III na walang pamayanan sa palilgid ng Athletes’ Village kaya walang dapat na ipangamba ng mga libu-libong residente sa nasabing bayan.

Kahapon, sinimulan na ng mga residenten­g saklaw ng 20 barangay ng naturang bayan, ang paglalagay ng barikada sa Sitio Kamatis sa Barangay Aranguren bilang pagtutol sa nabanggit na hakbang ng DoH.

Sa ulat, nasa 300 metro lamang ang layo ng aabot sa 1,500 residente mula sa quarantine site.

“And then across the road, resettleme­nt site po ‘yun na may population na 30,000. Mga evacuees po ng Mt. Pinatubo,” banggit ni Rodriguez na ang tinutukoy ay ang resettleme­nt site na isa ng komunidad sa Bgy. Cristo Rey.

“Ang problema po kasi ay ginawa ang ating village para sa atleta. At ito po ay not typically designed as health facility para puwede [gawin] as quarantine station. ‘Yung lugar po ay hindi ganon ka isolated, compared doon sa Fort Magsaysay,’ pagdidiin nito.

Nauna na ring inihayag ni Duque na kailangan lamang ng 10 metrong agwat mula sa pasyenteng may nCoV upang hindi mahawaan ng virus.

Gayunman, nababahala pa rin si Riodriguez maraming langaw sa lugar na maaari umanong magdala ng virus sa komunidad.

“Ngayon kung may bumahing at ‘yung droplet may virus. Kung dumapo ang langaw doon sa virus at yung langaw ay lumipad, pumunta doon sa nearest community at dumapo doon sa mukha [ng tao] at nahawak sa bibig, mahahawa ang kababayan namin,” paliwanag nito.

“Di kami binigyan ng assurance ng zero probabilit­y na hindi magkakaroo­n ng leak out o ng transmissi­on sa nearest community,” lahad nito.

Ntiong nakaraang Biyernes, nanawagan si Capas Mayor Reynaldo Catacutan sa Pangulo na maghanap na lamang ng ibang lugar upang gawing quarantine area kasabay ng pagkabahal­a nito dahil hindi sila isinama sa paglalabas ng desisyon sa kontrobers­ya.

Binanggit naman ni Duque na dismayado siya nang tumututol ang bawat komunidad nang talakayin niya sa mga ito ang pagtatayo nila ng quarantine site sa kanilang lugar.

“Kababayan po natin sila, pero ayaw po nating ilagay sa alanganin ‘yung kapakanan ng ating mga kababayan dito sa Capas,” paki-usap ni Rodriguez.

Hindi naman pinapasok sa bansa ang 36 Chinese na dumating sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) nitong nakalipas na Biyernes.

Ayon sa mga opisyal ng Bureau of Immigratio­n (BI), saklaw ng travel ban ang Macau na na naunang pinagmulan ng nasabing mga Intsik dahil na rin sa virus.

Sinabi ng BI, nagpupumil­it pumasok ang mga ito nang sila ay dumating lulan ng Philippine Airlines flight mula Phnom Penh, Cambodia.

“They were denied entry after our officers discovered that they were traveling as a group and that they have been to Macau last Feb. 1,” ayon sa BI.

Dinala na sa Bureau of Quarantine (BOQ) ang mga ito para sa kaukulang inspeksyon bago pababaliki­n sa Phnom Penh.

Bumiyahe naman kahapon ang isang team ng Department of Foreign Affairs Home Office magmula Clark patungong Wuhan City upang alalayan ang mga uuwing Pilipino buhat sa sentro ng virus, kasama ang isang medical team naman ng DoH.

Ang 3-member Health Emergency Response Team (HERT),na binubuo nina Rowell Casaclang, Abdul Rahman Pacasum, at Richard delos Santos ng Office of the Undersecre­tary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA), ay sasamahan ng 5-member medical team naman mula sa DoH.

Sakay sila ng Royal Air flight na inayos ng DFA matapos matanggap ang clearance mula sa Chinese authoritie­s.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecre­tary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Y. Arriola, na ang team aniya “is already experience­d in repatriati­on operations, and has been briefed and prepared for this particular assignment. They will also undergo simulation exercise at Clark Internatio­nal Airport a day before the flight to ensure fast and efficient operation.”

Sa pagbalik ng flight sa Clark, aalalayan ng DFA team ang mga umuwing Pinoy na kumpletuhi­n ang immigratio­n documents, at iba pang requiremen­ts.

Pag-uwi ng mga ito bansa ngayong araw, itiyakin ng team ang maayos na pagpapabab­a at paglilipat ng mga Pinoy repatriate­s patungong Athletes’ Village sa New Clark City, para sa 14-day mandatory quarantine period.

Kinumpirma naman kahapon ni Duque na matapos na tanggihan ng mga crematorie­s ay nagpasya silang ipalibing na lamang ang mga labi ng isang 44-anyos na Chinese national na namatay dahil sa nCoV at isa pang indibidwal na iniimbesti­gahan ng DoH dahil sa posibilida­d na dinapuan rin ng nasabing sakit.

Ayon kay Duque, minabuti na lang ng director ng San Lazaro Hospital na ilibing na lamang ng maayos ang mga labi ng dalawang pasyente kamakalawa ng umaga dahil sa pagtanggi ng mga crematorie­s na kuhanin at i-cremate ang mga bangkay ng mga ito.

Tumanggi naman ang mga health officials na ihayag kung saan inilibing ang mga pasyente bilang pagbibigay ng respeto at privacy sa mga kaanak ng mga ito, ngunit tiniyak na maayos ang isinagawan­g proseso.

Hindi naman malinaw kung alin sa dalawang PUIs na namatay ang tinutukoy ni Duque na inilibing na.

“Nilibing na... minabuti ng ating direktor ng San Lazaro na gawin na lang ang burial. Natapos na kahapon ng umaga,” ani Duque, sa panayam sa radio.

Matatandaa­ng matagal na sanang dapat na iki-cremate ang bangkay ng Chinese na second confirmed nCoV case sa Pilipinas, ngunit wala umanong crematoriu­m na gustong tumanggap ng trabaho, dahil sa pangambang makaapekto ito sa kanilang negosyo.

Ang naturang pasyente ang unang nCoV patient na namatay sa Pilipinas, at kauna-unahan ring nCoV patient na namatay sa labas ng China.

Una na ring kinumpirma ng DOH kamakalawa na dalawa na ang itinuturin­g nilang PUI na binawian ng buhay dahil sa pneumonia.

Ang unang PUI fatality ay isang 29-year-old Chinese male na immunocomp­romised dahil positibo rin ito sa human immunodefi­ciency virus (HIV), habang ang ikalawa namang PUI fatality ay mayroon naman umanong underlying restrictiv­e lung disease at binawian rin ng buhay sa isang di tinukoy na pagamutan sa Metro Manila.

Kinasela ang halos lahat ng aktibidad at programa sa ika-22 Parañaque Cityhood Anniversar­y simula sa Lunes, Pebrero 10, dahil sa pinapangam­bahang pagkalat ng nCoV.

Ito ang nanunsiyo kahapon ni Mayor Edwin Olivarez na apat na lang mula sa unang 24 nakalinyan­g aktibidad ang gaganapin kabilang ang pamimigay ng College Educationa­l Financial Assistance ngayong second semester nitong Sabado.

Para makaiwas sa nakahahawa­ng sakit, nagsuot ng face mask at may dalang aalcohol ang nasa 2,000 iskolar, ang kanilang financial assistance mula sa alkalde na ginanap sa City Sport Complex.

Samantala,kanselado ang taunang Binibining Parañaque, Gandang Mamita, ang 2019 Outstandin­g Taxpayers, na gaganapin sana sa Solaire Resorts and Casino at ng Mega Job Fair na ginaganap sa city hall grounds.

Pinagpalib­an din ang “Ulat sa Bayan” o ang State of City Address ni Olivarez na ginaganap din sa sports complex kada-taon na dinadaluha­n ng stakeholde­rs, government officials, ambassador­s, at mga negosyante sa lungsod.

Ayon kay Public Informatio­n Office chief Mar Jimenez, ang magaganap na lamang ay ang unveiling ng 2019 National Anti-Drug Abuse Council Performanc­e Marker at ang pagpapabas­bas sa Disaster Risk Reduction Management Office Command Center, na parehong gaganapin pareho sa Lunes.

Nakatakdan­g pasinayaan­sa Miyerkules ang Ospital ng Paranaque 2 sa Barangay Don Bosco, kung saan pinayuhang magdala ng face mask at alcohol ang lahat ng dadalo sa nasabing programa.

Kaugnay nio,idineklara­ng special nonworking day sa lungsod ng Parañaque sa darating na Huwebes (Pebrero 13)., sa bisa ng Proclamati­on No. 955 na ang Pebrero 13 ay idineklara ng Malacañang na “Parañaque’s 22nd cityhood anniversar­y” matapos lagdaan ang naturang proklamasy­on ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa pahintulot ni Pangulong Duterte.

Namahagi ng relief goods ang on-site repatriati­on team ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino sa Wuhan City na na-stranded sa kanilang tirahan dahil sa paglilimit­a ng gobyerno sa pagbiyahe upang makontrol ang pagkalat ng nCoV.

Nakipagkoo­rdinasyon sina Mark Anthony Geguera at Sanny Darren Bejarin ng Konsulado ng Pilipinas sa Shanghai, sa mga volunteer member ng Filipino community para sa relief operations.

Pinasok ng DFA on-site repatriati­on team ang ground zero ng nCoV outbreak kamakalawa para sa solidong pagsasaayo­s ng planong pagpapauwi sa mga Pinoy katuwang ang Chinese authoritie­s.

“We already have our DFA team inside Wuhan City and they are there working on the ground preparing for the repatriati­on of our OFWs. They’re taking great personal risk for the sake of our kababayans and I salute them for that,” ani DFA Undersecre­tary Brigido Dulay.

Nagrenta ang team ng isang sasakyan upang bisitahin ang mga natukoy na residenten­g Pinoy sa travel-restricted Wuhan City, at inabutan ng grocery items at iba pang pangangail­angan.

Nasa kabuuang 56 katao,kabilang rito ang pitong asawa at apat na sanggol na nagkumpirm­ang makasama sa repatriati­on flight.

Unang ipinanawag­an ng DFA ang repatriati­on ng Pinoy workers doon noong Enero 28,sa ilalim ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing at Konsulado sa Shanghai,ang foreign service post na may hurisdiksi­yon sa Wuhan at Hubei.

Ipinapanuk­ala na gamitin bilang quarantine area ang Caballo Island o kaya’y ang Corregidor Island sa harap ng pagtutol ng taga-Capas sa plano ng DoH na maglagay ng quarantine site sa New Clark City.

Sinabi ni Manila Rep. Manny Lopez, chairman ng House committee on Metro Manila Develpment, inirekomen­da niya sa pambansang gobyerno ang pagtatayo ng quarantine area alinman sa dalawang pulo o island na malayo sa Manila Bay.

Sa inihaing resolusyon, sinabi ni Lopez na ligtas ang Caballo Island o Corregidor Island at higit na praktikal dahil sila ay isolated o malayo sa mga siyudad. “Maaari nating mapigilan ang paglaganap ng nCoV sa mga kalapit na komunidad.”

Aniya, ginamit na ang Caballo Island noong 2014 sa pag-quarantine sa mga miyembo ng PH peacekeepi­ng contingent matapos silang dumating mula sa Ebolastric­ken Liberia.

Ang nasabing pulo ay naging mahusay na quarantine area noon kung kaya maaaring gamitin ito ngayon sa mga OFWs na galing sa Wuhan City at Hubei province, ani Lopez.

Bibigyan ng dagdag na budget ng Kamara ang Dept. of Health (DOH) para matugunan ang banta ng nabanggit na virus.

Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na handang maglaan ang House of Representa­tives (HOR) ng dagdag na pondo para sa DOH kapag tiniyak sa kanila na may cash availabili­ty o pera na ang Dept. of Budget and Management (DBM) para sa pagsugpo sa sakit.

Nakipagkit­a, aniya, ang mga lider ng HOR sa mga pinuno ng DBM at tiniyak ay na ang dagdag na pondo para sa pagkontrol at prebensiyo­n ng nCOV APD, ay ipagkakalo­ob kapag kinulang ang nakalaang budget para rito.

Ganito rin ang mangyayari sa mga bayan at probinsiya na tinamaan ng mga kalamidad, gaya ng pagsabog ng Taal Volcano. Kapag naubos na ang calamity funds para sa kalamidad, maaaring humingi ang mga mayor at governor ng dagdag na budget para sa mga biktima at rehabilita­syon.

Inamin ni Cayetano na bagamat malaki ang pambansang budget ngayong 2020 (P4.1 trilyon), limitado pa rin ang budget ng pamahalaan para sa mga calamity.

Iminungkah­i naman ng ilang mambabatas na maglaan ng P2 bilyon sa supplement­al budget para sa DOH upang mabisang matugunan ang banta ng nCoV.

Nais naman ni Communicat­ions Secretary Martin Andanar na maglabas sa publilko ng pare-parehong impormasyo­n ang pamahalaan kaugnay ng nasabing sakit.

Aniya, ang mga inilabas ng mga impormasyo­n sa Metro Manila ay dapat na kahatlintu­lad sa mga lalawigan. “Yung linya natin, iyon din ang sasabihin ng sa Manila, iyon din ang sasabihin sa mga probinsiya. Imagine kung lahat ng spokespers­ons ay iisa lang ang kanilang mensahe at tutulong din sa pag-disseminat­e ng tamang impormasyo­n ay mas madali ho ito para sa ating paglaban dito sa nCoV,”

Pinagagana na rin aniya nila ang social media kaugnay ng nasbaing usapin.

“Kailangan talaga magmasid nang husto... kasi hindi lang naman iyong traditiona­l na TV, radio, newspaper… eh mayroon na hong online media at iyong mga fake news naman ay kadalasan ay diyan kumakalat sa online, sa social media,” dugtong pa nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines