Pussycat Dolls, balik sa music scene

Balita - - Showbiz - Ni NOREEN JAZUL

OPISYAL na nagbabalik ang Pussycat

Dolls sa industriya sa paglalabas ng grupo ng kanilang bagong kanta, ang React, ang una sa nakalipas na higit isang dekada. “We are officially BACK!!! Our brand new single #REACT is finally here and we are SO excited to share it with you. We hope you love it as much as we do!!,” pahayag ng grupo sa kanilang official Twitter account.

As of writing, pumalo na sa No. 2 ang bagong kanta sa U.S. iTunes chart.

Kasabay naman nito, inilabas din ng grupo ang official music video ng React, tampok ang sultry and powerful dance choreograp­hy.

May higit one million views na agad ang video in less than eight hours mula nang i-release ito.

Nitong Disyembre 2019, muling nagsama ang mga miyembro na sina Nicole Scherzinge­r, Carmit Bachar, Ashley Roberts,

Jessica Sutta, at Kimberly Wyatt sa X Factor

UK stage kung saan ipineform nila ang snippet ng “React.”

Itinanghal din nila ang medley ng kanilang hits songs kabilang ang Buttons, When I Grow

Up, at Don’t Cha.

Pussycat Dolls

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.