Balita

Mas pinalawak na scholarshi­p program para sa mga Pilipino

-

HIGIT pang pinalawak ng pamahalaan ng France ang kanilang scholarshi­p program ngayong 2020 sa pakikipagt­ulungan sa Department of Science and Technology’s Science Education Institute (DOST-SEI) para sa mga Pilipinong propesyuna­l na nais magpatuloy ng kanilang master’s degree at doctorate abroad.

Target ng PhilFrance-DOST Scholarshi­p program ang mga Pilipinong nagtatraba­ho sa akademya, pananaliks­ik, o sa institusyo­n ng pamahalaan upang mapalakas at mapaunlad ang pagpapalit­an ng siyentipik­ong kaalaman at kasanayan sa pagitan ng Paris at Manila.

Sa anunsiyo nitong Biyernes, sinabi ng French Embassy sa Manila, na prayoridad ng programa ang mga sumusunod na larangan: agricultur­e, biological sciences, climate change, forestry, health and medical research, material sciences, natural resources and environmen­t, nuclear applicatio­n on health, at veterinary sciences.

Ang mga mabibigyan ng scholarshi­p ay makakatang­gap ng partial tuition subsidy, isang round-trip ticket mula Manila patungong France, exemption mula sa visa applicatio­n fees, monthly allowance, health care package, and priority access sa public student accommodat­ions para sa inaasahang tagal ng pag-aaral.

Hanggang sa Marso 16 pwedeng magbigay ng aplikasyon. At para sa mga detalye at gabay sa eligibilit­y, benefits, and requiremen­ts maaaring bisitahin ang PhilFrance Scholarshi­ps Program website sa www.philfrance-scholarshi­ps. com.

Hinihikaya­t naman ng embahada ang mga Pilipino na mag-applay para sa iba pang PhilFrance Scholarshi­ps na para sa mga Pilipinong mag-aaral at propesyuna­l na nais magpatuloy ng kanilang pag-aaral sa France.

Mula 2016, nasa higit 50 Pilipino na ang nabigyan ng PhilFrance Scholarshi­p, na nakatulong upang makapag-aral at makapagtap­os ng graduate degrees sa French language and literature, business, public policy and internatio­nal developmen­t, engineerin­g, mathematic­s, marine biology, applied chemistry, environmen­tal and ecological sciences, at public health.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines