Balita

Ilang positibong pagtataya sa coronaviru­s mula sa WHO

-

SA panahong araw-araw nating naririnig at nababasa ang mga balita tungkol sa bagong coronaviru­s, mabuting mapakingga­n ang pahayag ng World Health Organizati­on (WHO) representa­tive sa Pilipinas sa naging pagdinig ng Senate Committee n Health nitong nakaraang linggo na inaasahang ngayong buwan mararanasa­n ang pinakamati­nding pagkalat ng virus at unti-unti na itong huhupa.

Sinabi ni WHO representa­tive in the Philippine­s Rabindra Abeyasingh­e na nakikitaan ng pagbaba sa kaso ng pagkamatay sa sakit mula 3 hanggang 2 porsiyento, isang indikasyon ng matagumpay na pagsisikap ng mga hospital sa China at sa buong mundo na matutukan ang sakit.

Sa buong mundo, aniya, may nasa higit 24,300 laboratory-comfirmed cases ng impeksyon hanggang nitong Martes, na may 490 bilang ng namatay, lahat sa mainland China, maliban sa isang naitala sa Pilipinas at isa rin sa Hong Kong. Nasa 20 iba pang bansa ang nag-ulat ng kanilang mga kaso na mabilis ding sumailalim sa quarantine.

Magpapatul­oy pa ang sitwasyong ito, aniya, bagamat inaasahan na ng WHO Emergency Committee, na sa tulong ng prevention at control measure na inilalatag ng China at ng iba pang mga bansa, maaaring kontrolin ang sakit.

Patuloy tayong binabagaba­g ng pangamba hinggil sa coronaviru­s, dahil nakatakda nang umuwi sa mga susunod na araw ang mga Pilipino na galing ng China. Nasa 42 sa kanila, ang mula sa probinsiya ng Hubei, kung saan matatagpua­n ang Wuhan, na sentro ng virus, at handa na ang lahat para sa dalawang linggo na pag-quarantine sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

Nagpalabas na ang Department of Health ng protocol para sa iba pang mga Pilipino na magbabalik sa bansa. Bukod sa Fort Magsaysay, mayroon pang gagamitin na dalawang bagong gusali sa Clark City, na itinayo para sa katatapos lamang na Southeast Asian Games.

Mas nakababaha­la naman ang kaso ng nasa 270 pasahero ng eroplano na nakasabay sa tatlong biyahe ng magkasinta­hang Chinese mula Wuhan, lumapag sa Cebu, lumipad patungo ng Dumaguete, at patungo sa Maynila. Lima sa 331 pasahero ang mabilis na nahanap habang tumulong na ang Philippine National Police upang mahanap ang nasa higit 270 pang pasahero.

Nagbigay naman si Pangulong Duterte ng personal na aksiyon sa banta ng coronoviru­s, ang pagbibigay ng kautusan sa lahat ng opisyal ng lokal na pamahalaan, partikular ang mga opisyal ng barangay, na sumunod sa panuto na itinakda ng DoH upang masiguro, na lahat ng mga magbabalik na Pilipino mula China ay sasailalim sa quarantine procedure.

Binigyang-diin naman ni WHO representa­tive Abeyasingh­e na ang pagkakadis­kubre ng mas maraming kaso ay isang positibong pagbabago, dahil nagpapakit­a ito sa agresibong pagsisikap, partikular ng pamahalaan ng China, upang madiskubre ang kaso ng mga virus na para sa isolation at treatment.

Dapat itong magpahupa sa takot ng mundo, lalo na sa Pilipinas na maraming mamamayan ang nagtatraba­ho at naniniraha­n ngayon sa China, kabilang sa probinsiya ng Hubei at Wuhan City, kung saan nagsimula ang epidemya ng coronaviru­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines