Balita

Ramirez, pararangal­an ng PSA

- Annie Abad

Bilang pagkilala sa kanyang buong pagsuporta sa mga Pilipinong atleta, gagawaran ng Philippine Sportswrit­ers Associatio­n (PSA) ng parangal si Team Philippine­s Chef De Mission William ‘Butch’ Ramirez sa pagdaraos ng taunang SMC-PSA Annual Awards Night sa Marso 6 na gaganapin sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Pararangal­an bilang Executive of the Year ang 69-anyos na si Ramirez sa kanyang paggabay sa mga Pilipinong Atleta na sumabak sa 2019 Southeast Asian Games at nakakuha ng overall championsh­ip.

Ang Philippine Sports Commission (PSC) chief din na si Ramirez ang nagbigay ng kaunaunaha­ng overall championsh­ip sa bansa, noong 2005 SEA Games, kung saan siya rin ang namuno bilang Chef de Mission ng Team Philippine­s.

Humakot ng kabuuang 149 gold, 117 silver, at 121 bronze medals ang Team Pgilippine­s sa nakaraang biennial meet, kung kaya naman sila din ang tatanghali­n bilang Athletes of the Year sa nasabing Gabi ng Parangal.

Kasama din na pararangal­an ni Ramirez ang mga premyadong sports personalit­ies na nagbigay ng malaking ambag sa Philippine sports gaya nina Manny V. Pangilinan, Ramon S. Ang, Wilfred Uytengsu, Hans Sy, Ricky

Vargas, Chito Salud, Jude Echauz Dan Palami, at Philip Ella Juico.

Kabilang din sa mga parangal na igagawad ng PSA ang President’s Award, Executive of the Year, National Sports Associatio­n (NSA) of the Year, Ms. Basketball, Mr. Volleyball, Ms. Golf, Mr. Football, at Coach of the Year.

May tatanggap din ng mga Major Awards, Lifetime Achievemen­t Award, Tony Siddayao Awards,

MILO Junior Athletes Award, at mga citations partikular na sa mga golde medalists ng SEA Games.

Magbibigay din ng posthumous award para sa mga sports personalit­ies na yuamo na, para sa taunang pagtatangh­al ng nasabing Awards Night na suportado ng PSC, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Associatio­n (PBA), Rain or Shine, at AirAsia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines