Onsehan sa droga? Dayong maglive-in partner tinodas

Balita - - News - Bella Gamotea

Patay ang isang maglive-in partner matapos barilin ng mga hindi pa nakikilala­ng suspek sa magkahiwal­ay na insidente makaraang dumayo ang mga biktima sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang mga biktima na kinilala lamang sa mg-aalyas na “Jillian”, at “Negro”, kapwa nasa hustong gulang, at nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Sa inisyal na imbestigas­yon, naganap ang hiwalay na pamamaril sa mga biktima sa Purok 11, PNR Site, Barangay Western Bicutan sa Taguig City, dakong 5:00 ng madaling araw.

Unang binistay ng bala ng hindi pa kilalang mga suspek si Jillian sa kalye. Sunod na itinumba ng mga salarin si Negro na nasa loob ng isang barung-barong sa lugar.

Sinasabing dumayo ang mga biktima sa kanilang kaibigan upang gumamit umano ng ilegal na droga nang mangyari ang pamamaril.

Bago ang insidente, isang payat na lalaki ang kasama ni Jillian na magpapablo­tter sa barangay subalit hindi natuloy sa hindi pa matukoy na dahilan.

Hinihinala­ng love triangle at onsehan sa droga ang sinasabing motibo sa pamamaslan­g sa maglive-in.

Patuloy ang isinasagaw­ang imbestigas­yon at follow-up operation ng Taguig City Police sa naturang kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.