Basil Valdez, walang kupas

Balita - - Showbiz Atbp. - Ni REMY UMEREZ

SA isang pambihiran­g pagkakatao­n ay may concert titled Love And Light. A Valentine dinner concert ang walang kupas at music legend Basil Valdez at Jamie Rivera na gaganapin ngayong Thursday Feb. 13 sa Mayuree Grand Ballroom ng Dusit Thani Manila.

Sa repertoire ay tiyak na kabilang ang signature song ni Basil ang Ngayon At Kailanman. Taong 1977 ng isaplaka ang classic song na likha ni George

Canseco (SLN.). Forty years na itong inaawit ni Basil at saka niya na-realize na this is not only a favorite wedding song kundi isang papuri sa Panginoon.

Bukod kay Canseco ay may tribute si Basil para sa National Artist Ryan Cayabyab who composed Nais Ko at Paraisong Parisukat.

Tulad ni Pilita Corrales another music icon ay patuloy ang alok kay Basil na mag-concert abroad. Basil has done more than 50 Church concerts.

Parang hindi kapani-paniwala na ngayon lamang magsasama sa concert sina Basil at Jamie. Love songs at inspiratio­nal ones ang tema ng concert.

Excited si Jamie sa duet nila ni Basil ng isang hit song the balladeer recorded in the past. Para kay Jamie ang paborito niyang awitin ni Basil ay You. Nasa tuwing naririnig niya ay she can’t help na mangiti.

Basil

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.