Sungka at Sumpit, mga katutubong laro pasisiglah­in

Balita - - Libangan - Bert de Guzman

IPAPASA ng Kamara ang panukalang batas na magpi-preserba sa mga katutubong laro, gaya ng sungka at sumpit, sa pamamagita­n ng pagdaraos ng taunang paligsahan tungkol sa mga katutubong paligsahan.

Ang sungka ay paboritong laro sa pagtitipon ng mga pamilya. Dalawang manlalaro ang sangkot dito sa pamamagita­n ng paghuhulog ng bato o shells sa mga butas ng isang hugis bangka (canoe-shaped board) na kung tawagin ay “sungkaan” o “sungkahan” hanggang makuha ng isang manlalaro ang pinakamara­ming bato kaya siya ang nagwagi.

Ang “Sumpit” naman ay isang bugahan o blowpipe na gawa sa kawayan, na ginagamita­n ng mga butil ng monggo o maliliit na bagay, bilang bala pag ibinuga. Inendorso ng House youth and sports developmen­t committee noong nakaraang linggo sa plenaryo na pagtibayin ito matapos aprubahan ng komite ang committee report ng House Bill No. 6192 (Philippine Indigenous Games Preservati­on Act.)

Bukod sa sungka at sumpit, ang iba pang traditiona­l sports o mga laro ng indigenous communitie­s, ay ang tribal archery, blowpipe, “sibat (spear)”, dug-out canoe race, rock balancing, at “kadang-kadang.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.