UAAP: UST, NU umusad sa girls beach volleyball Finals 4

Balita - - Sports - Ni MARIVIC AWITAN

INANGKIN ng Nazareth School of National University at ng University of Santo Tomas ang unang dalawang Final Four slots sa girls division ng UAAP Season 82 High School Beach Volleyball tournament, noong nakaraang Linggo sa Sands SM By The Bay.

Tinalo ng Lady Bullpups tandem nina Kathrina Epa at Chantal Rodriguez ang De La Salle-Zobel duo nina Irah Jaboneta at Gerzel Petallo, 21-11, 21-13;bago nakalusot sa hamon ng University of the East pair nina Chris Ann Susbilla at Dea Villamor, 22-20, 19-21, 15-13,para manatiling walang talo matapos ang limang laro.

Iginupo naman nina Junior Tigresses’ Vanessa Bangayan at

Jullana Carreon, 21-17, 21-17 ang Far Eastern University-Diliman pair nina Nikka Medina at Mary Melony bago itinala ang 21-18, 21-10 panalo laban sa Adamson University duo nina Mary Grace Borromeo at Ayesha Juegos para sa ikalima nilang panalo kontra isang talo.

Maliban sa top two spots, nakamit din ng UST at NU ang twiceto-beat bonus sa semifinals.

Sa iba pang laro, namayani naman ang De La Salle-Zobel, 2114, 21-13 kontra FEU upang umangat sa ikatlong puwesto hawak ang markang 3-2 kasunod ang Junior Lady Warriors na naunang nagwagi kontra sa Ateneo tandem nina Celina Vergeire at Ady Lasala, 21-14, 21-14, na may 2-3 kartada kasalo ng Baby

Lady Falcons.

Ganap namang nalaglag sa kontensiyo­n ang Baby Lady Tamaraws matapos malaglag sa ika-4 nilang talo sa loob ng limang laro.

Sa boys division, tinalo ng Tiger Cubs at Baby Tamaraws ang kanilang mga katunggali upang makopo ang twice-to-beat Final Four incentive.

DinoMoina nina Tiger Cubs’ Jay Rack dela Noche at Alexander Iraya ang UE pair nina Francis Babon at JM Apolinario, 21-14, 21-13, para sa ika-6 na sunod nilang panalo.

Umangat naman sa markang 5-1, sina Baby Tamaraws’ Jelord Talisayan at Carl Cabatac matapos ang 21-9, 21-11 paggapi sa Ateneo duo nina Mikka Mendoza at Anjo Almadro.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.