Mayor, inambush

Balita - - Front Page - Ni MARY ANN SANTIAGO May ulat nina Minka Klaudia S. Tiangco at Jeffrey G. Damicog

Patay ang alkalde ng isang bayan sa lalawigan ng Maguindana­o nang pagbabaril­in ng mga hindi nakilalang lalaki sa Malate, Manila nitong Lunes ng gabi.

Dead on the spot si Abdulwahab Sabal, 45 anyos, mayor ng munisipali­dad ng Sultan Sumangka (dating Talitay) sa Maguindana­o, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa ulat ng Malate Police Station (PS 9) ng Manila Police District (MPD), papasok na ang alkalde sa isang hotel sa kanto ng Quirino Avenue at Leveriza Street bandang 10:00 ng gabi nang siya ay binaril nang tatlong beses ng gunman na nakaposisy­on sa tawid ng kalye.

Ligtas namang nakatakas ang mga kasama ni Sabal – ang misis nitong si Mohana Sabal, at body guard na si si Pcpl. Alwad Guimad.

Magugunita na noong 2016, inaresto di Sabal matapos siyang mapabilang sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga politiko na sangkot sa illegal drug activity. Mariin nang itinanggi ng mga Sabal ang mga alegasyon laban sa kanila.

Sinabi ng pulisya na inaalam pa nila ang pagkakakil­anlan ng gunman at ang motibo sa likod ng pagpatay.

Nakuha ang isang basyo ng 5.56 mm na bala sa pinangyari­han ng krimen.

Ang mga nakuhang piraso ng ebidensya ay dinala sa Manila Police District-Scene of the Crime Operatives para sa ballistic examinatio­n.

Samantala, handa ang National Bureau of Investigat­ion (NBI) na sumali sa imbestigas­yon sa pagpatay kay Sabal.

Tiniyak ito Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Martes sakaling kakailanga­nin ng tulong ng Philippine National Police (PNP) pagsasagaw­a ng imbestigas­yon.

“For now we’ll let the PNP take the lead in the investigat­ion of Mayor Sabal’s murder case but I’ll direct the NBI to step in as and when it becomes necessary,” sinabi Guevarra sa mga mamahayag.

MANNY LLANES

SINISIYASA­T ng Manila Police Scene of the Operative ang bangay ni Mayor Abdulwahab Sabal ng Sultan Sumagka (dating Talitay), Maguindana­o na pinatay sa harapan ng isang hotel sa Malate, Manila nitong Lunes ng gabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.