VFA, IBINASURA NA

Balita - - Front Page - Nina ROY MABASA at BETH CAMIA

Tuluyan nang ibinasura ng Pilipinas ang Visiting Forces Agreement (VFA) nito sa Estados Unidos, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ay nang pirmahan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., ang notice of terminatio­n ng nasabing kasunduan, nitong Lunes.

Isinapubli­ko ito ni DFA Undersecre­tary for Civilian Security and Consular Concerns Brigido Dulay sa isang

Tweet isang araw nang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinatangka­ng harangin ni US President Donald Trump ang pagbasura sa VFA.

“On the order of the President thru Executive Secretary (Salvador) Medialdea, Foreign Affairs Secretary Locsin signed today the notice of terminatio­n of the Visiting Forces Agreement, which would be delivered to the US Embassy in Manila forthwith,” bahagi ng tweet ni Dulay.

Sa isa pang tweet, kinumpirma ni Locsin na natanggap na ng Deputy Chief of Mission ng US Embassy sa Maynila ang nasabing liham.

“The Deputy Chief of Mission of the Embassy of the United States has received the notice of terminatio­n of the Visiting Forces Agreement. As a diplomatic courtesy there will be no further factual announceme­nts following the self-explanator­y developmen­t,” ani Locsin.

ALI VICOY

APURAHIN NATIN Minamadali ng mga manggagawa ang pagkakabit ng bakal sa isang constructi­on site ng BGC Ortigas link bridge sa, JP Rizal Avenue sa Makati City, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.