Andrea Torres pinaiyak ni Derek

Balita - - Showbiz - Ni NORA V. CALDERON

SA Friday pa ang February 14, Valentine’s Day, pero pinaiyak na ni Kapuso hunk actor Derek Ramsay ang girlfriend na si Andrea Torres nitong Lunes. Nag-post si Derek sa kanyang Instagram account na umiiyak si Ada (as he fondly call Andrea) habang yakap nito ang isang pusa.

“@ramsaydere­k07

I hope you liked my surprise for you today @andreatorr­es. See how I made this girl cry in our next episode coming soon. Advanced Valentine’s surprise on #andrekvlog­s #revenge”

Sagot naman ni @ andreatorr­es “Perfect.”

Ang mga fans nila ang kinilig sa sorpresa ni Derek kay Andrea at tanong nila excited na raw sila bakit ‘revenge’ ang sabi ni Derek at ‘perfect’ naman ang sagot ni Andrea. Sana raw ay lumabas na agad ang bagong #andrkvlogs ng dalawa para malaman nila ang sagot.

Inamin nina Derek at Andrea ang relasyon nila, pagkatapos ng romanticdr­ama series nilang The Better Woman. Pinaghahan­daan nila ngayon ang susunod nilang teleserye sa GMA Network, isang romantic-action-drama titled Sanggang-Dikit.

Andrea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.