‘Mandurukot’ na lolo, timbog

Balita - - Front Page - Bella Gamotea

Naghihimas ngayon ng rehas ang isang lolo matapos umanong dukutan ng pera ang isang lalaki sa harapan ng Muntinlupa City Hall, kahapon ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong theft ang suspek na si Antonio Almazan, 66, taga-La Marea San Antonio, San Pedro, Laguna.

Kinilala naman ang biktima na si Miguel Yu, 54, taga-Building 3 Bliss Compound,Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Sa ulat ni S/M/S Marlou Jacob, may hawak ng kaso,naganap ang insidente sa harapan ng city hall, national road, Bgy. Putatan, dakong 4:45 ng madaling araw.

Ayon sa report, rumesponde sina Cpl. Jian Harold Zamora at Pat Irish Jade Pinto ng Police Community Precinct (PCP-2), sa nagaganap na komosyon sa nasabing lugar kung saan natuklasan na isa pala itong insidente ng pandurukot.

Positibong itinuro ng biktima ang suspek na nambiktima sa kanya at matangay ang kanyang P5,000.

Nabawi naman sa suspek ang nasabing pera.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.