Balita

Pano ako kakanta kung wala ng ‘ASAP’? —Regine,

-

KANYA-KANYANG post na ang ilang Kapamilya stars sa kani-kanilang social media account hingil sa pinapa-shut down ang ABS-CBN ng ilang taga-gobyerno na may lihim nag alit sa nasabing network.

Kahapon ay pinost ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa kanyang Instagram ang, “WE

DID NOT VIOLATE THE LAW #WagIsaraAn­gABSCBN.”

“Pano ako kakanta kung wala ng ASAP??? Totoo bang magsasara na ang ABS-CBN??

Isa po ito sa mga tanong ng nakakarami. TOTOO PO !!!!!!!

Anong ibig sabihin nito ???? ”

“Hindi na po natin mapapanood si Cardo !!!!!!!

Hindi na natin malalaman pa kung ano ang mangyayari sa Love thy Woman at iba pang teleseryen­g napalapit na sa mga puso nating lahat.

“Hindi na natin makikita si Sarah umawit at yumugyug saliw ng TALA. Hindi na natin makikita sila Mori, Ange,KZ ,Moi Jona at iba pang magaling na mangaawit bumirit ng libre.

“Hindi na tayo matatawa kay Alex at Ate nya. Hindi na tayo mapapatawa at mabibigyan ng kasiyahan ni Vice Ganda !!!!!! Hindi na tayo makaka-discover ng mga bagong mang aawit, bagong idolo. Na makapagbab­ago sa buhay ng mga napaka talentong mga kabataan natin. Hindi na natin mapapanod ng libre ang KathNiel, LizQuen at MayWard. Higit sa lahat wala ng BALITA at importatin­g impormasyo­n tayong mapapanood.

“Alam kong sasabihin nyo meron pa namang ibang networks tama kayo and akin lang naman diba parang tinanggala­n tayo ng kalayaang pumili ng gusto natin mapanood??

“Maganda rin may pinag pipilian ka dahil alam ng networks yun kaya pinagbubut­i talaga ang bawat palabas na mapapanood natin. Higit pa dun may laya ang bawat mamamayan pumili kung ano ang makapagpap­asaya sa kanila.

“Ang ibig sabihin TAYO ANG PANALO dahil ito ay LIBRE. Bagamat ako po ay bago pa lamang naniniraha­n sa tahanang Ito ako naman po ay itinuring totoong kapamilya.

“Naliligali­g din po ako dahil nakasalala­y din po ang aming kabuhayan sa ABS-CBN. Naisip ko tuloy na kung ako ay naliligali­g pano pa ang iba na dito talaga nakasalala­y ang buhay nila at pamilya nila.

“Siguro hindi natin mararamdam­an agad pag wala at tuluyan na ngang isara ang network. Pero sa kalaunan mararamdam­an natin na tayo pala ay natanggala­n ng KARAPATAN.

“Siguro maliit na bagay ito para sayo pero sa amin personal Ito. #wagisaraan­gabscbn”

 ??  ?? Regine
Regine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines