Taipei at Korea, nagwalis sa Asian badminton

Balita - - Sports -

KAPWA nagtala ng ‘sweep’ ang powerhouse­s Chinese Taipei at South Korea sa men’s and women’s class ng Badminton Asia Team Championsh­ips nitong Martes sa Rizal Memorial Coliseum.

Sa pangunguna ni World men’s singles No.2 Chou Tien Chen, winalis ng No.4 seed Taiwanese, ang Team Philippine­s, 5-0, para manguna sa Group C ng men’s division. Ginapi ni Chen si Filipino top single player Ros Pedrosa, 21-12, 21-8 sa first singles match.

Sinundan ang panalo ng dominanten­g ratsada nina Lee Yang at Wang Chi-Lin kontra Ariel Magnaye at Alvin Morada, 21-9, 21-12.

Hindi na nakaporma ang host team matapos mangibabaw si world No.6 Wang Tzu Wei kontra Lanz Zafra, 2115-21-17 sa ikalawang singles match.

Matikas namang nakihamok ang tambalan nina Joper Escueta at Paul Pantig, ngunit hindi nila nalagpasan ang galing nina Liao Min Chun at Su Ching Meng, 21-9, 18-21, 21-17.

“Nung first set kasi, maraming lumalagpas na bola sa ‘kin,” pahayag ni Pantig. “Ang ginawa namin is nagadjust kami. Nung nakaka-catch up na kami sa pace at intensity nung laro nila, tinry naman naming i-overcome ‘yung pace nila.”

“Gagawin lang namin ‘yung best namin sa susunod na laban kasi underdog pa rin naman kami sa kanila. Mas mataas pa rin ‘yung rank ng mga players nila. Pero ta-try pa rin namin manalo bukas,” pahayag nig one-time UAAP Most Valuable Player.

Senelyuhan ni Chen Shiau Cheng ang hataw ng Taiwan sa magaan na 21-7, 21-9 panalo kay Arthur Salvado.

Sa women’s side, magaan ding sinibak ng Koreans ang Kazakhstan squad, 5-0, sa Group X battles.

KINAGILIWA­N ng badminton enthusiast ang maaksiyong tagpo sa ginaganap na Badminton Asia Team Championsh­ip sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.