US actor kinasuhan sa imbentong krimen

Balita - - Showbiz -

WASHINGTON (AFP) - Isang US television actor na inakusahan ng pag-imbento ng hate crime ang kinasuhan ng anim na bilang kaugnay sa insidente noong Martes, matapos ang lahat ng mga akusasyon laban sa kanya ay ibinaba noong nakaraang taon.

Ang dating Empire star na si Jussie Smollett ay inakusahan ng grand jury sa Cook County, na humahawak sa mga krimen sa Chicago, ng anim na bilang ng mga nakagagamb­alang pag-uugali na may kaugnayan sa sinasabing maling ulat.

Ang 37-taong-gulang, na naging isa sa mga pangunahin­g miyembro ng cast ng musical dram ng Fox, ay inakusahan ng pag-mastermind sa isang hoax attack sa Chicago upang makakuha ng publisidad at ng mas malaking suweldo.

Iniulat niya sa pulisya noong Enero 2019 na inatake siya sa kalagitnaa­n ng gabi ng dalawang maskuladon­g lalaki habang naglalakad malapit sa kanyang bahay sa malaking midwestern city.

Ngunit sa huli ay sinabi ng pulisya ng Chicago na inimbento niya ang lahat.

Iginiit ni Smollett, isang gay African American, ang kanyang pagiging walang kasalanan sa harap ng isang salaysay ng publiko mula sa mga awtoridad ng kanilang kaso laban sa kanya.

Inakusahan nila siya na nagpapadal­a sa kanyang sarili ng isang nagbabanta­ng liham kumpleto sa homophobic at racial slurs - at umarkila ng dalawang kakilala upang magpanggap ng pag-atake habang ini-invoke ang slogan ni President Donald Trump na ‘’Make America Great Again.’’

Ang curious case ay lalong naging weird nang ibasura ng Cook County prosecutor­s ang paunang 16 na bilang ng felony laban sa kanya noong Marso.

Gayunman, nagpadala ang lungsod ng isang liham sa mga abugado ni Smollett, na humiling sa aktor na bayaran ang $130,000 na gastos sa overtime na may kaugnayan sa pagsisiyas­at ng pulisya.

Binuhay ng episode ang matagal nang kumukulong debate sa Amerika tungkol sa kung paano kamakatuwi­ran ang talaga ang criminal justice system ng bansa, kung ang mayayaman ay madaling nakakaluso­t - at kung ang mga tagausig ay dapat magkaroon ng napakarami­ng pagpapasya.

Jussie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.