Balita

Paulo, leading man ni Jane sa ‘Darna’

- Ni ADOR V. SALUTA

KINUMPIRMA na ng Star Cinema na si Paulo Avelino ang magiging leading man ni Jane De Leon sa pelikulang Darna.

Masaya ring ibinahagi din ng manager ni Paulo na si Leo Dominguez sa kanyang Instagram post nitong February 6, that Paulo is confirmed to play the love angle of Jane in Star Cinema’s adaptation of Darna.

Ipinaskil ni Dominguez ang screenshot ng isang ulat mula sa isang showbiz blogsite, na nagbabalit­ang si Paulo ang leading man sa

Darna.

Simple lang ang tugon ni Leo sa kanyang caption, “#PauloAveli­no joins #darna”

Tanging si Paulo ang second confirmed cast member ng Darna.

Noong Hulyo 2019, inanunsiyo ng ABS-CBN na si Jane ang gaganap sa papel na Darna, matapos ni Angel Locsin makaraang umurong si Liza

Soberano sa proyekto dahil sa injury sa training. Unang natsismis na si Tony Labrusca ang magiging leading man sa Darna matapos siyang makitang nakikipag-meeting sa dating director ng pelikula na si Erik Matti, na nagkataong nagbackout din.

Si Direk Jerrold Tarog ang pumalit bilang director ng Darna. Nagkatraba­ho at naidirek na ni Tarog si Paulo sa pelikulang Heneral Luna at naging title role ito sa Goyo: Ang Batang Heneral.

Agad namang inanunnsiy­o ni Tarog na nsa seventh shooting day na sila ng Darna, base sa kanyang post on Instagram m nitong Pebrero 7.

 ??  ??
 ??  ?? Paulo
Paulo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines