Balita

Pasahero, huli sa ‘bomb joke’

- Ni ARIEL FERNANDEZ

Arestado ang isang 55-anyos na lalaking pasahero ng eroplano nang magbiro ito na may lamang bomba ang bagahe nito sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) Terminal 2, kamakailan.

Binitbit ng mga tauhan ng Philippine National Police-Aviation

Security group si Protacio Paguirigan, tubong San Nicolas, Ilocos Norte.

Paalis na si Paguirigan sakay ng eroplano ng Philippine Airlines patungong Laoag sa Ilocos at nang tutulungan na ito ng cabin crew ay sinabihan niya umano ito ng,” “SURE WALANG PROBLEMA

BASTA ALAGAAN MO YAN, MAY SASABOG DIYAN..”

Kaagad na pinababa ng eroplano si Paguirigan at inaresto kasabay ng pagsasaila­lim sa kanya sa imbestigas­yon.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kaso laban kay Paguirigan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines