1 sa NPA, huli sa Quezon

Balita - - Front Page - Danny J. Estacio

GEN. LUNA, Quezon – Arestado ang isang pinaghihin­alaang miyembro ng New People’s Army (NPA) at nasa Top 1 most wanted person dahil sa kinakahara­p na patung-patong na kasong kriminal sa nasabing bayan, kamakailan.

Ayon kay Quezon Police Provincial Office director Colonel Audie Madrideo, ang suspek ay nakilalang si Hilario Evangelist­a De Roxas, alyas ‘Mando’, 56, at taga-Bgy. San Vicente Kanluran, Catanauan, Quezon.

Naaresto ito ng pinagsanib na puwerswa ng militar at pulisya sa Bgy. Sumilang, ng naturang bayan.

Kinumpirma ni Madrideo na may standing warrant of arrest si de Roxas sa mga kasong double murder at multiple attempted murder na nakabinbin ngayon sa sala ni Judge Ma. Chona Pulgar Navarro, ng Regional Trial Court Branch 63 at 61 sa Calauag, Quezon.

Gayundin, habang isinasagaw­a ng pagsisiyas­at sa kanya, ipinatupad din ng pulisya at militar ang isan pang warrant of arrest sa kasong rebelyon,

Under custody na ng pulisya si de Roxas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.