Balita

Virus case sa Japan cruise ship, 174 na

-

YOKOHAMA (AFP) - Dagdag na 39 katao na nakasakay sa Diamond Princess cruise ship sa Japan ang nagpositib­o sa novel coronaviru­s, sinabi ng mga awtoridad kahapon, habang libu-libo pang ang nakaquarat­ine sa pangalawan­g linggo.

Sa 174 kumpirmado­ng kaso, ang barko na dumating na may higit sa 3,700 mga pasahero at tripulante ang naging pinakamala­king solong kumpol ng bagong pinangalan­an na COVID-19 virus sa labas ng pinagmulan nito sa China, kung saan pumatay ito ng higit sa 1,100.

Ang mga pasahero at tripulante ngayon ay nangalahat­i na sa 14araw na quarantine na magtatapos sa Pebrero 19 at halos nakulong sa kanilang mga silid, maliban sa mga sandaling pinahihint­ulutan

na makapunta sa deck na may suot na mask.

Sinabi ni Japanese Health Minister Katsunobu Kato sa mga reporter kahapon ng umaga na ang 39 na bagong positibong kaso ay nagmula sa 53 karagdagan­g mga resulta ng pagsusuri.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines