Balita

4 nakaligtas sa 32 araw sa dagat

-

WELLINGTON (AFP) - Apat katao ang nakaligtas sa isang buwang na palutanglu­tang sa Pacific sa pamamagita­n ng pagkain ng mga buko at pag-inom ng tubig-ulan sa isang paghihirap na ikinamatay ng walo sa kanilang mga kasama, kabilang ang isang sanggol, nakasaad sa ulat.

Ang pangkat, mula sa lalawigan ng Bougainvil­le ng Papua New Guinea, ay pinaniniwa­laang gumugol ng 32 araw sa dagat.

Iniulat ng Solomon Star News na ang pangkat ay umalis mula sa Bougainvil­le noong Disyembre 22, para magdiwang ng Pasko sa Carteret Islands, may 100 kilometro ang layo

, Ngunit sinabi ng nakaligtas na si Dominic Stally na tumaob ang kanilang maliit na bangka at nalunod ang ilan sa grupo.

Nagawa ng natitira sa kanila na maitama ang posisyon ng bangka ngunit ilan pa ang namatay habang lumulutang sila sa laot sa gitna ng malalakas na alon ng karagatan.

‘’We could do nothing with their dead bodies, we just have to let go of them at sea,’’ aniya sa pahayagan.

Sinabi ni Stally na maraming bangkang pangisda ang dumaan sa malapit nang hindi sila napansin hanggang sa huli ay nasagip sila noong Enero 23 sa New Caledonia matapos na maanod ng mga 2,000 kilometro.

Sinabi ng Star News na ang mga nakaligtas ay binubuo ng dalawang lalaki, isang babae at isang batang babae na may edad na 12.

Ibinaba sila sa Honiara, ang kabisera ng Solomon Islands, noong Sabado at ibiniga sa pangangala­ga ni Papua New Guinea High Commission­er John Balavu matapos gamutin sa dehydratio­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines