Balita

‘Dancing fountain’ binuksan

- Mary Ann Santiago

Pormal nang binuksan sa publiko kagabi ang bagong dancing fountain na ipinalagay ni Manila Mayor Isko Moreno sa Bonifacio Shrine, sa tabi ng Manila City Hall, kaya’t mayroon nang libre at magandang mapapasyal­an ang mga magsing-irog sa nalalapit na Araw ng mga Puso.

Pinangunah­an ni Moreno ang pagbubukas ng naturang bagong atraksiyon dakong 6:30 ng gabi sa tabi ng kartilya ng Monumento ni Andres Bonifacio.

Ayon kay Moreno, hindi na kailangang gumasta ng mahal ang mga magsing-irog ngayong nalalapit na ‘Araw ng mga Puso’ dahil mayroon na silang puwedeng pasyalan para mag-date.

Aniya, ang high-tech interactiv­e musical dancing fountain (IMDF) ay isa sa pet project ni Moreno at ito ay mayroong unique features.

Ang nasabing lugar kung saan naroon ang IMDF ay ‘walkable’ dahil sa ito ay patag.

Sa gabi naman ay bubuksan ang water jets kung saan ang gitnang bahagi nito ay may kakayanang maglabas ng tubig sa taas na 20 talampakan o 7 metro.

Ayon sa alkalde, makikita rin ang larawan ng watawat ng Pilipinas sa fountain sa pamamagita­n ng drone.

Sa ngayon ay nagiging paboritong pasyalan na pang-Instagram ng mga turista, lokal man o dayuhan, ang Bonifacio Shrine dahil sa ito ay malinis, maliwanag at kaakit-akit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines