Balita

Grab driver, sinaksak ng lasenggo; patay

- Orly L. Barcala

Patay ang isang Grab driver nang saksakin ito ng isang nang pagsasaksa­kin ng binatang lasenggo na hindi nila pinatagay sa isang inuman sa Malabon City, nitong Martes ng gabi.

Binawian ng buhay sa Ospital ng Malabon si Ronel Gunida, 29, may live-in partner, taga-No. 913 Gulayan Street, Barangay Catmon ng nasabing lungsod.

Sa pagsusuri ni Dra. Jennifer

San Miguel, attending physician , mga malalalim na saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng biktima.

Mabilis namang nakatakas ng suspek na si Alex Padilla, 22, tagaNo. 828 Gulayan Street, Barangay Catmon, ng nasabing lunsgod, dala ang kitchen knife na ginamit sa pananaksak.

Sa salaysay ni Rotchel Gunida, nakababata­ng kapatid ng biktima, masaya silang nag-iinuman ng kanyang kapatid sa labas ng kanilang bahay, dakong 7:45 ng gabi.

Dumaan sa harapan nila ang suspek at hindi ito pinansin ng magkapatid at tuloy pa rin sila sa paginom.

Makalipas ang ilang sandali, lumapit si Padilla at pinagsasak­sak ang biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines