Life should be defended in all its stages –Arch. Villegas

Balita - - News - Leslie Ann G. Aquino

Hinikayat ng mga paring Katoliko ang publiko na manindigan at ipagtanggo­l ang buhay sa pamamagita­n ng pagsali sa “Walk for Life” sa buong bansa ngayong Sabado, Pebrero 15.

“We hope and pray that many of us will be there to show our interest, our commitment, our heart for advocacy in love and respect for life,” sinabi ni Davao Archbishop Romulo Valles, president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s, sa church-run Radyo Veritas.

Ito rin ang panawagan ng iba pang mga pari.

“All of us should stand up, pray and defend life given to us by God,” sinabi ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

“It’s very important that we join in this advocacy. If we truly believe that life should be defended, walk for life in all its stages,” winika ni Kalookan Bishop Pablo David.

Hinimok ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, ang mga pamilyang Pilipino na sumali sa aktibidad.

“Let us continue to urge the people to attend especially at this time when we are faced with different issues such as divorce and death penalty. Let us show to everyone that we are united and that we have force in numbers,” aniya.

Ang aktibidad ay inoorganis­a Sanggunian­g Laiko ng Pilipinas.

Kabila sa mga magsasagaw­a ng “Walk for Life” ay ang mga archdioces­es ng Lingayen Dagupan, Tarlac, Cebu, Cagayan de Oro, Palo at Manila.

Sa Manila, ang okasyon ay gaganapin sa Quezon Memorial Circle in Quezon City dakong 4 :00 ng umaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.