Balita

Kelot, itinumba sa QC

- Jun Fabon

Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang lalaking biktima ng salvaging dahil sa mga tama ng bala sa ulo nang matagpuan sa Cubao, QC, kahapon ng madaling araw.

Sa report ng QCPD- Criminal Investigat­ion and Detection Unit (CIDU), ang biktima ay nasa 30-35 ang edad, naka-camouflage, jacket, naka short pants, nakapiring at nakaposas nang matagpuang nakabulagt­a sa 7th Brgy. Socorro.

Sa pahayag ng ilang residente, nakarinig sila ng putok ng baril sa lugar dakong 2:00 ng madaling araw at nang alamin nila ay tumambad sa kanila ang duguang bangkay ng lalaki.

Inaalam pa ng pulisya ang nasa likod ng krimen at motibo sa pamamaslan­g.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines