Balita

‘Higit sa lahat kalayaan sa pamamahaya­g’

- Leonel M. Abasola

Hindi na kailangan pa na ipasara ng pamahalaan ang television network na ABS-CBN dahil maaari naman itong talakayin sa lehislatur­a.

Ito ang reaksyon ni Senator Nancy Binay at sinabing kailangang agad na maresolba ang problema sa kongreso sa kabila ng quo warranto petition laban sa naturang kumpanya na nakabinbin pa sa Korte Suprema.

“Naiintindi­han ko rin naman iyong mga reklamo against ABS-CBN but mas mahalaga iyong freedom to informatio­n, access to informatio­n. I think kapag nawala itong ABS[CBN], malaking dagok iyon sa access natin to informatio­n,” sabi nito.

Aniya, paano mapag-uusapan ang aayusin natin doon sa franchise kung hindi naghi-hearing.

Pumagitna na aniya ang kataastaas­ang hukuman sa pamamagita­n ng pagbigay ng 10-araw sa ABS-CBN para sagutin ito.

Iginiit pa ni Binay na kailangan ang pagdinig sa leshilatur­a dahil sa pamamagita­n nito lamang magkakaroo­n ng linaw ang isyu

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines