3 snatcher, timbog

Balita - - News - Bella Gamotea

Natimbog ng mga awtoridad ang tatlong umano’y snatcher matapos hablutin ang mamahaling cellphone ng isang turistang Chinese sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Mahaharap sa kasong robbery snatching ang mga suspek na sina Gregorio Abarratigu­e, alyas ‘Manila Boy’, 25, may kinakasama, jeepney barker, taga-Southvilll­e 1, Block 7, Lot 178, Cabuyao, Laguna; Christian Latorre, 24, tricycle driver, taga-164 Dolores St., Bgy. 66 Zone 8, Pasay City at Kim Joseph Lising, 18, tagaNo. 2448 Lakandula St., Bgy. 66, Zone 8 ng nasabing lungsod.

Samantala ang biktima ay kinilalang si Tony Dai, 26, isang turistang Chinese, at nanunuluya­n sa Cityland Tower 4, Dela Rosa Avenue, Bgy. Pio del Pilar.

Sa ulat ni S/Sgt Mary Irene T. Gubatan, may hawak ng kaso,ang insidente ay naganap sa panulukan ng Dela Rosa Ave. at Medina St., Bgy. Pio del Pilar, dakong 3:10 ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigas­yon, ang mga awtoridad sa lugar nang mamataan ang biktima na hinahabol niya ang tatlong suspek.

Ayon sa pahayag ng biktima, kalalabas lamang niya sa convenienc­e store nang biglang haltakin ang kanyang t-shirt ng tatlong suspek at hinablot ang iPhone XS Max na nagkakahal­aga ng P60,000.

Nahuli ang mga atr nabawi sa kanila ang hinablot na gadget, isang balisong at isang improvised icepick.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.