Balita

Rider, sumagasa ng pulis; arestado

- Liezle Basa Iñigo

MANGALDAN, Pangasinan – Naaresto ang isang rider na sumagasa sa isang pulis na nagbabanta­y sa isan checkpoint national road ng Barangay Poblacion.

Kulong ang suspek na kinilala ng pulisya na si Gerald Marcial , 21, taga-Bgy. Pogo, ng nabanggit na bayan.

Inaresto si Marcial matapos sagasaan si PCMS Romeo Liwanag, Jr, nakatalaga sa Bgy. Salay ng naturang lugar.

Sa report, habang nakapuwest­o sa checkpoint ang grupo ni Liwanag ay napansin nila ang suspek na may kahin-hinalang kilos habang nagmamaneh­o ng motorsiklo, dakong 10:00 ng gabi.

Tinangkang parahin ng grupo ni Liwanag ngunit sa halip na tumigil ay pinaharuro­t nito ang kanyang motorsiklo at sinasagasa­an ang biktima.

Hinabol ng grupo ni Liwanag ang suspek at nadakip din ito sa Bgy. Pogo.

Idinahilan ni Liwanag, kaya nila pinahihint­o si Marcial ay dahil hindi ito nakasuot ng helmet at kahina-hinala pa ang kilos nito.

Nahaharap ang suspek sa kasong kriminal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines