Balita

Trike driver, binaril ng pasahero; todas

- Danny Estacio

DOLORES, QuezonNapa­tay ang isang tricycle driver na isa ring barangay tanod nang barilin ng kanyang pasahero sa Sitio Bangkongka­hoy, Barangay Kinabuhaya­n ng nasabing bayan, nitong Martes ng umaga.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Mario Briones Maraña, 46, at taga-Bgy. Sta. Lucia, na binawian ng buhay sa pinangyari­han ng insidente dahil sa tama ng mga bala sa noo at katawan.

Kaagad namang tumakas ang hindi nakikilala­ng suspek dala ang ginamit na baril.

Tatlong basyo ng cal. 45 pistol ang natagpuan ng scene of the crime operatives.

Iniimbesti­gahan pa ng pulisya ang insidente upang matukoy ang suspek at motibo nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines