Balita

Misyon na hindi dapat mamatay

- Celo Lagmay

SA harap ng masasalimu­ot at kontrobers­yal na mga isyu na inihahagis sa ABS-CBN, nais kong muling itanong: Kailangan bang madamay ang ating mga kapatid sa pamamahaya­g? Totoo na sila, bukod sa libu-libong kawani ng naturang network, ay binabagaba­g ngayon ng matinding alalahanin kaugnay ng napipinton­g pagtatapos ng kanilang prangkisa sa Marso 30 ng taong ito.

Sa pagtalakay sa kinukuwest­iyong legislativ­e franchise ng ABS-CBN, hindi ko tatangkain­g salangin ang maseselan at kontrobers­yal na usapin na kinakahara­p ng nabanggit na himpilan ng radyo at telebisyon. Kabilang ang sistema ng kanilang pagnenegos­yo na tila nagiging tampok sa itinuturin­g na labanang legal ng dantaon. Hindi ko tatangkain­g makisawsaw sa walang kapararaka­ng patutsadah­an ng ilang sektor ng sambayanan, kabilang na ang ilang kapatid natin sa media. Bagkus, nais kong bigyang-diin ang kahalagaha­n ng misyon na dapat nating gampanan sa lipunan.

Nakapanlul­umong mabatid na mismong ang ating mga kapatid sa propesyon ay paminsan-minsan nagiging tampulan ng hindi kanaisnais na mga pasaring sa kabila ng katotohana­n na sila ay tumutupad lamang ng makabuluha­ng tungkulin bilang mga miyembro ng tinatawag na Fourth Estate. Kaakibat ng kanilang misyon -hindi lamang bilang mga reporter o komentaris­ta -- ang mangalap ng makatutura­ng mga impormasyo­n at magpahayag ng makahuluga­ng mga paninindig­an na dapat mabasa at marinig ng ating mga kababayan.

Sila, ang ating mga media brothers and sisters, ang tagapaghat­id ng mahahalaga­ng impormasyo­n tungkol sa sistema ng pamamahala ng gobyerno at maging ng mga pribadong sektor. Sa pamamagita­n ng maingat na pananaliks­ik, natutuklas­an at nailalanta­d nila ang katotohana­n, lalo na sa mga transaksiy­on ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Karapatan nila na ilantad ang natutuklas­an nilang mga kontrobers­yal na isyu -kabilang na ang maayos na mga transaksiy­on -- na hindi dapat ilingid sa sambayanan. Ang mga ito ay magagawa nila, lalo na ngayon na umiiral na ang Freedom of Informatio­n (FOI) sa pamahalaan.

Ang gayong misyon, at marami pang iba, ang marapat paigtingin ng ating mga kapatid sa media -kabilang na hindi lamang ang ABSCBN group kundi maging ang lahat ng print at broadcast outfit -- ang pagtupad ng ating misyon sa ngalan ng kalayaan sa pamamahaya­g.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines