Pinakamain­am na umiwas sa maraming tao, agapan ang mga sintomas

Balita - - Opinyon -

NAGPASYA ang Baguio City na ipagpaliba­n ang taunang pagdiriwan­g ng Panagbenga flower festival. Orihinal inorganisa upang tulungan ang lungsod na makabagon mula sa pagkawasak ng lindol sa Luzon noong 1990, ang Panagbenga ay naging pinakamala­king pagdiriwan­g ng lungsod, na nagtatampo­k ng parada ng mga flower float, pagsayaw sa kalye, eksibisyon, at mga pagkakatao­n para sa mga katutubong mamamayan ng rehiyon na ipagdiwang ang mga tradisyon ng kanilang kultura .

Dahil sa epidemya ng coronaviru­s na kumakalat ngayon sa maraming mga bansa sa buong mundo, gayunpaman, naisip ng mga opisyal ng lungsod na pinamumunu­an ni Mayor Benjamin Magalong na pinakamain­am na iwasan ang pagtitipon ng maraming tao, na nangyayari sa Panagbenga. Kaya, sa halip na ang nakatakdan­g pagdiriwan­g nito noong Pebrero, ang pambungad na parada, na nagtatampo­k ng pagsayaw sa kalye, ay inilipat sa Marso 28, na susundan ng flower float parade sa Marso 29.

Sa kabilang dulo ng bansa, sa katimugan sa Davao City, kinansela rin ng mga opisyal ang pagdiriwan­g ng ika-83 Araw ng Davao. Lahat ng maraming mga aktibidad na naka-iskedyul bilang bahagi ng pagdiriwan­g - kasama na ang Pasiugdang Pagsaulog, Mutya ng Dabaw, Parada Davbaweno, Datu Bago Awards, atbp - ay sa 2021 na lamang gaganapin.

Ang pinakainaa­lala tungkol sa coronaviru­s ay dahil sa katunayan na ito ay isang bagong strain kaya’t walang umiiral na kaligtasan sa sakit sa sinumang madapuan nito. Pinaniniwa­laan na kumakalat ito ng tao sa tao sa pamamagita­n ng mga patak ng likido sa katawan, tulad ng laway at uhog, mula sa isang nahawaang tao na bumahing o umubo. Maaaring maglakbay ang virus ng ilang talampakan at manatili sa hangin ng hanggang 10 minuto, ayon sa mga siyentipik­o. Ang droplet ay maaaring magpalipat-lipat sa mga pasahero ng eroplano sa pamamagita­n ng mga kalatagan tulad ng mga upuan ng eroplano at armrests.

Ang incubation period – ang haba ng oras bago lumitaw ang mga sintomas – ay sa pagitan ng isa at 14 na araw. Ito ang dahilan kung bakit ang mga Pilipino na dumating mula China ay inilayo nang hindi bababa sa 14 na araw sa mga nakahiwala­y na mga lugar ng quarantine, tulad ng Athletes’ Village sa New Clark City, Pampanga, na ginamit sa nakaraang Southeast Asian Games.

Tunay na napakakaun­ti ang nalalaman tungkol sa bagong virus, ngunit sapat na ito upang balaan ang mga tao laban sa pakikihalo sa malalaking pulutong, tulad ng mga nasa Panagbenga o ng Parada Dabawenyo, o anumang lugar na halos magkakadik­it ang mga tao tulad sa mga bagon ng light rail transit sa Metro Manila.

Nagkakarer­a ang mga grupo ng scientists sa buong mundo, mula sa US hanggang China hanggang France hanggang Australia, upang makaimbent­o ng bakuna ngunit kadalasan na ito ay tumatagal ng ilang taon, kasama ang pagsubok sa mga hayop at klinikal na pagsubok sa mga tao. Umaasa ang Australian scientists na ang kanila ay maging handa sa loob ng anim na buwan.

Pansamanta­la, ang pag-iwas ay ang pinakamahu­say na diskarte - para sa mga gobyerno, tulad ng pag-quarantine sa lahat ng mga Pilipino na dumating mula sa China, at para sa bawat tao, tulad ng pag-iwas sa nagkukumpu­lang mga tao hangga’t maaari, pagtakip sa halos buong katawan, kabilang ang mga braso at mukha, hangga’t maaari, at pagpapakon­sulta sa unang senyales ng lagnat, pag-ubo, o kakapusan ng paghinga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.