Balita

‘Darna’ ng bagong dekada, makalipad kaya?

- Ni REMY UMEREZ

UNANIMOUS choice nina Olive Lamasan, managing director for film, at resident director Lauren Dyogi si Jane De Leon as the newest Darna nang umatras si Liza Soberano due to health reason. Sa mga motoristan­g nakita ang kanyang larawan sa giant billboards ay iisa ang tanong...sino siya?

Matagal na sa showbiz si Jane Florence Benitez De

Leon at maraming krisis sa buhay. Mula nang yumao ang kanyang ama ay si Jane ang naging breadwinne­r. Sa kabila ng kahirapan ay hindi nawala ang tiwala sa Diyos.

Naging member siya ng Girltrends, a female dance group ng ABS-CBN’s noontime variety show na It’s Showtime. Lumabas siya sa beat roles sa Ex With Benefits at Be Careful With My Heart. Ngunit napansin siya nang husto sa TV seryeng Halik bilang kapatid ni Jericho Rosales.

Mahirap ang naging training ni Jane para sa stunt routines needed para sa Darna movie. Nag-fitting na rin siya for the costume.

Ang panalangin ng marami na sana ay malagpasan ang gusot na kinakahara­p ng ABS-CBN na may kinalaman sa renewal franchice. Otherwise baka hindi na tuluyang makalipad si Darna na biggest break pa naman ni Jane.

 ??  ?? Jane
Jane

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines