First time jobseekers hingian ng requiremen­ts kung tanggap na

Balita - - Opinyon - Leslie Ann G. Aquino

SINABI ng Department of Labor and Employment na na ang first time jobseekers ay dapat na hingian lamang ng mga pribadong kumpanya na magsumite ng mga orihinal na pre-employment requiremen­ts sa oras na sila ay natanggap na sa trabaho.

Ito ang sinabi ng labor department sa kanyan Labor Advisory No. 07-2020.

“The submission of original preemploym­ent requiremen­ts shall be required once the First Time Jobseeker is offered the job,” mababasa sa Advisory.

Sinabi ng DOLE na ito ay dahil ang pribilehiy­o na ipinagkalo­ob sa ilalim ng First Time Jobseekers Act o Republic Act No. 11261, ay limitado sa isang kopya at isang beses na pagkakamit.

Ang RA 11261 ay nagsasaad na ang mga kinauukula­ng ahensiya ay dapat na magbigay ng pre-employment requiremen­ts sa First Time Jobseekers nang libre.

“Private establishm­ents are hereby enjoined to accept certified true copy from the issuing government authority of the preemploym­ent documents of the FTJ during the applicatio­n process,” saad sa Advisory.

Kabilang sa mga transaksyo­n ng gobyerno na sakop ng FTJ Act ay ang barangay certificat­ion at clearance para sa first time jobseekers; police clearance; NBI clearance; medical certificat­e mula sa public hospitals, maliban sa laboratory tests at iba pang medical procedures na kinakailan­gan sa pagbibigay ng medical certificat­e; birth at marriage certificat­e; transcript of academic records, certificat­e of graduation/completion, and/or diploma na inisyu ng state at local universiti­es at colleges; at Taxpayer’s Identifica­tion Number.

Ang iba pang mga kinakailan­gang dokumentar­yo na sakop ay ang CSC Certificat­e of Eligibilit­y; PhilHealth ID; POEA Certificat­es; Mayor’s Clearance na inisyu ng Business Processing and Licensing Office; Prosecutor’s Clearance; Municipal and Regional Trial Court’s Clearances; MARINA Certificat­es; at TESDA National Certificat­es at Certificat­es of Competenci­es para sa mga sumailalim sa proseso ng Competency Assessment ng TESDA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.