Balita

Kung tungkol ito sa tax ‘di ba dapat BIR? —Regine

- Ni NITZ MIRALLES

“KUNG ikaw ang mawalan ng trabaho hindi ka ba mag-aalala?” Ito ang sagot ni Regine Velasquez sa isang nagcomment na “kapansin-pansin sa mga celebrity worried na worried silang mawalan ng hanapbuhay.”

Nauna rito, may mahabang post si Regine tungkol sa halimbawan­g nagsara ang ABS-CBN, na umani ng iba’t ibang reactions sa netizens. May pumabor at may komontra sa kanyang post.

Post ni Regine: “Paano ako kakanta kung wala ng ASAP??? Totoo bang magsasara na ang ABSCBN?? Isa po ito sa mga tanong ng nakakarami. TOTOO PO!!! Anong ibig sabihin nito???,” bahagi ng post niya.

“Alam kong sasabihin nyo meron pa namang ibang networks tama kayo ang akin lang naman ‘di ba parang tinanggala­n tayo ng kalayaang pumili ng gusto natin mapanood? Maganda rin may pinagpipil­ian ka dahil alam ng networks yun kaya pinagbubut­i

talaga ang bawat palabas na mapapanood natin. Higit pa dun may laya ang bawat mamamayan pumili kung ano ang makapagpap­asaya sa kanila. Ang ibig sabihin TAYO ANG PANALO dahil ito ay

LIBRE,” punto niya.

“Siguro hindi natin mararamdam­an agad pag wala at tuluyan na ngang isara ang network. Pero sa kalaunan mararamdam­an natin na tayo pala ay natanggala­n ng KARAPATAN. Siguro maliit na bagay ito para sayo pero sa amin personal ito. #wagisaraan­gabscbn,” patuloy niya.

May tanong si Regine, kung ang hindi pagbabayad sa buwis ang problema, bakit daw hindi ang BIR ang nagsampa ng kaso?

“Lagi kong nababasa na hindi sila nagbayad ng tamang tax. Sabi pa dahil daw si PNoy ang nakaupo noon kaya pinalampas. Pero iba na ang nakaupo kaya kung tungkol ito sa tax ‘di ba dapat BIR??? Sa BIR pag may discrepanc­y silang nakita hindi uso ang padrino kailangang magbayad talaga they are very thorough I know coz I’ve experience­d it,” dagdag pang post ni Regine.

Ipinaliwan­ag kay Regine na may law na naviolate, kaya may karapatan ang Solicitor General na magsampa ng kaso at hindi ang BIR.

Mahabang usapin pa ito, kaya patuloy tayong makibalita.

 ??  ?? Regine
Regine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines