Isabel, naha-heart attack sa galing ni Nora

Balita - - Showbiz - Ni NORA V. CALDERON

DIRETSONG sinagot ni Isabel Rivas ang tanong sa kanya sa media launch ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit, kung bakit kontrabida na naman ang role niya sa GMA Afternoon Prime na pagbibidah­an ni Nora Aunor.

“Noong araw talagang tumatanggi ako kapag kontrabida ang role na in-offer sa akin, pero ngayon hindi na,” natatawang sagot ni Isabel. “Siguro naman tama na iyong mga role kong bida sa mga ginawa kong pelikula, at ngayon kontrabida man ang role, tanggap ko na.”

Kumusta na katrabaho niya ngayon si Nora Aunor?

“Naku, takot ako sa kanya kapag kaeksena siya, nakita naman ninyo kung ano ang ginagawa ko sa kanya. Sa confrontat­ion scene namin, muntik na akong atakehin sa puso dahil ang husay-husay niya. Sabi ko sa kanya ‘Ate Guy, huwag mo akong titingnan, baka mawala ako sa eksena,’ mata lamang kasi niya, matatakot ka na. Medyo takot din ako sa mga fans ni

Ate Guy, baka magalit sila sa akin. Pero nakakatuwa, dahil very profession­al lahat ng mga kasama ko sa seryeng ito. Kaya very thankful talaga ako sa GMA Network.”

Ilang taon ding huminto muna sa acting si Isabel dahil nag-business muna siya at may malaki siyang farm sa Iba, Zambales na ang tanim niya ay fruitbeari­ng trees, tulad ng mangga at dragon fruit.

“Pero this year, wala akong maaaning mangga dahil may isang parasite na mahirap puksain ng spray. In two weeks time, mag-aani na ako ng dragon fruit.”

Loveless daw siya ngayon after ng divorce niya sa American husband niya. Mas masaya raw naman siya ngayon, dahil dalawa na ang apo niya sa anak na si Richard Chua na wife ang StarStuck 1 avenger na si Nadine Samonte. Three years old na ang apo niyang si Heather at 9 months old naman si Austin.

Sa Monday ang world premiere ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit pagkatapos ng “Prima Donnas” sa GMA 7.

Isabel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.