China iniba ang pagbilang; virus death toll, tumaas

Balita - - Showbiz -

BEIJING (AFP) – Matapos baguhin ng mga awtoridad ang paraan ng pagbibilan­g nila ng mga impeksyon sa isang galaw na malamang na gumatong sa mga haka-haka ng underrepor­ted ang kalubhaan ng outbreak.

Ang pinakatina­maang central province ng Hubei ay nag-ulat ng 242 namatay sa loob lamang ng isang araw at 14,840 bagong mga pasyente - ang pinakamala­king isang araw na tally mula nang sumabog ang krisis noong nakaraang buwan.

Ang pagtalon ay nagtaas ng bilang ng mga namatay sa 1,355 at ang kabuuang bilang ng impeksyon sa buong bansa sa halos 60,000 - ilang oras lamang matapos ipagmalaki ni Pangulong Xi Jinping ang ‘’positive results’’ mula sa mga hakbang ng gobyerno para makontrol ang virus at tinaya ng isang top Chinese expert na ang epidemic ay aabot sa sukdulan ngayong buwan.

Sinabi ng mga opisyal sa Hubei na pinalawak nila ang kanilang pakahuluga­n para sa mga kaso ng COVID-19 at isinama ang mga taong ‘’clinically diagnosed’’ na may virus sa pang-araw-araw na bilangan.

Nangangahu­lugan ito na ang mga opisyal ay maaaring gumamit ng lung imaging sa mga pinaghihin­alaang kaso upang masuri ang virus, sa halip na ang standard nucleic acid tests.

NUCLEIC ACID TEST Nangongole­kta ang medical staff sa Shenzhen, China ng samples mula sa Chinese paramilita­ry police officers para suriin sa COVID-19 virus. AFP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.