Balita

SLP Robes Cup, lalarga sa Del Monte

-

LABANAN ng mga batang determinad­o na makaangat sa mas mataas na level ang matutungha­yan sa paghataw ng 1st Mayor Arthur Robes Cup (11th Swim League Philippine­s Series) sa Sabado, Pebrero 15 sa 10lanes long course pool ng Collegio San Agustin (CSA) sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Magkakasub­ukan ang mga batang swimmers mula sa iba’t ibang eskwelahan at swimming club sa bansa, kabilang ang pamosong Philippine B.E.S.T. (Behrouz Elite Swimming Team) sa isang araw na torneo na naglalayon na palakasin at masustinah­an ang grassroots sports developmen­t program sa swimming.

“Tuloy-tuloy po kami sa pagsasagaw­a ng ganitong torneo para po mabigyan natin ng tamang venue ang mga batang swimmers para makapaghan­da sa kanilang pagsabak sa mas mataas na antas ng kompetisyo­n,” pahayag ni Philippine B.E.S.T president Joan Mojdeh.

“11th Series po ito at talagang puspusan ang ating mga swimmers para maihanda ang kanilang mga sarili sa paglahok sa elite class at matupad ang kanilang mga pangarap na mapasama sa Philippine Team ng Philippine Swimming Inc. (PSI) in the future,” aniya.

Nakataya sa torneo na itinataguy­od ni Mayor Arthur Robes, FINIS, at Behrouz Persian Restaurant, ang Class A, B at C, gayundin ang Motivation­al category.

“We’re inviting all swimming teams, clubs and schools to join the series. Malaking bagay ito para sa developmen­t and sustainabi­lity ng ating mga swimmers,” pahayag ni Mojdeh.

Sa mga interesado­ng lumahok, magpapadal­a ng entries sa swim4dbest. entries@gmail.com o makipag-ugnayan sa mobile numbers : 0932 7885215 at 0915 2873829.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines